Kim's POV
"So basically, hindi naman ganun kahirap na ma-inlove sa'yo si Clark. You have the looks gurl, basta magmaganda ka lang. I'm telling you after this, magiging kayo ni Clark." Super confident na sabi sa'kin ni Pin habang inaayos yung buhok ko. May papakilala daw kasi siya saking lalaki. Sino ba naman ako para tumanggi diba?
"Basta ayusin mo lang na hindi negosyante yung si Clark ha. Okay lang sa'kin kung maginoo pero please wag yung bastos." Hindi kasi maganda yung pakiramdam ko sa Clark na yun eh. Baka biglang alukin ako ng mga binibenta niya on and offline.
"Haha! I got it gurl, hindi siya katulad ni Ely, promise. Are you ready?" Tanong niya sa'kin na tinutukan pa ko ng hair brush, microphone lang ang peg!
"Yes I am." Sagot ko sa kanya.
"Energy! Handa ka na ba!?"
"Handang handa na! Aja!" Sigaw ko habang nakahawak pa sa hair brush.
Tumayo na kami at pumasok na sa loob ng coffee shop, dito daw kasi yung meeting place. Huminga ako ng malalim saka hinilot-hilot yung palad ko. Kakakaba naman kasi 'tong ginagawa namin.
"Here we are." Bumilis yung tibok ng puso ko, di ko alam kung kinakabahan ba ako or what? Inangat ko na lang yung ulo ko at tinignan yung lalaki. "Kim, this is Clark and Clark siya yung sinasabi ko sayo."
Feeling ko lalabas na yung puso sa sobrang bilis ng tibok. Bumungad kasi sa'kin yung magandang ngiti ni Clark. Sobrang gwapo niya, para siyang artista tignan. Super fresh at ang bango-bango niya tignan. Grabe yung height niya at matipunong katawan.
"Hi Kim." Halos matunaw ako sa lalaking lalaki niyang boses. Inilahad niya yung kanang kamay niya sa'kin.
"H-hello. Nice meeting you, Clark." Inilahad ko yung palad ko sa kanya, schoking parang mas malambot pa yung kamay niya sa'kin at ang init ng kamay niya.
Ngayo'y magkadikit yung mga palad namin. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa'kin. Whaa! Yung puso ko!
"Opps! Cut muna, bitawan muna ang kamay ng isa't isa. Chill guys!" Pagputol ni Pin sa titigan namin ni Clark. Panira ng moment! "Upo na dali." Saka ako umupo at di maiwasang mapatingin kay Clark.
"So, I guess kailangan ko na ring umalis. Have fun guys!" Tumayo agad si Pin at inayos yung damit niya.
"Mamaya kana umalis." Pagpipigil ko sa kanya.
"Chat mo na lang ako gurl. Clark, bahala kana sa kaibigan ko. Bye!" Tuluyan siyang tumalikod at naglakad palabas ng coffee shop.
.
.
.
Shocks!Naramdaman ko yung paghawak ni Clark sa kamay ko. Dama ko yung care niya, as if na hindi niya ko pababayaan.
"Akong bahala sa'yo. Safe ka sa'kin." Sambit niya na para bang may iba siyang pinupunto.
"T-thank you C-clark." Halos magbuhol-buhol yung dila ko. Kinakabahan kasi ako.
Nginitian niya lang ako kaya medyo gumagaan yung loob ko.
"You're beautiful Kim."
"Enebe Clark, alam ko naman yun!" Napahagod ako sa buhok ko, shemay ang ganda ko pala sa paningin niya. "Tenchu!" Hirit ko pa.
"Hahaha! Ang cute mo." Yung tawa niya nakakakilig.
"HAHAHAHA!" Wala lang nakitawa lang ako.
"Kidding aside, would you tell something about yourself para naman mas makilala kita."
Napalunok ako at parang nakaka-pressure namang magpakilala pero ikakahiya ko ba naman yung sarili ko sa kanya.
"I'll be the first one to introduce para no pressure. I'm a freelance model and actor sa isang tv network. Nag-e-enjoy ako on and off cam, yun kasi yung gusto ko simula noong bata pa lang ako."