Forth's POV
Napakusok ako sa mata at uminat ng bahagya. Nakapikit pa rin akong umupo sa kama ko at huminto ng saglit. "Thank you Lord." Sambit ko bago tumayo at inayos yung higaan ko.
"Good morning anak. Sarap ng tulog ah." Napangiti ako ng kunti.
Mukhang maaga pa naman pero kailangan kong maghanda ng almusal. Hindi yata ako kumain kagabi eh. Napahawak ako sa tiyan ko at ramdam ko na rin yung gutom.
Nag-stretching muna ako at ikiniling ang ulo ko sa kaliwa at sa kanan bago lumabas ng kwarto.
Nasa hagdan pa lang ako ay may naamoy na akong mukhang masarap na pagkain. Gutom lang 'to.
"Kim?" Nagulat ako pagbaba ko ay nakita ko si Kim sa kusina. "Anong ginagawa mong tao ka?"
"Hehe! Sorry nagising ba kita? Kasi ang aga kong nagising eh. Pinakialaman ko na lang yung gamit dito sa kusina." Napakamot pa siya sa ulo niya at talagang naka apron pa siyang nagluluto. "Pinaghanda kita ng almusal. Tadan!"
"Dapat di mo na ginawa." Umupo na ako at kukunin ko na sana yung plato kaso natigilan ako dahil sa paghawak ni Kim sa kamay ko.
"Opps! Ako na." Tinignan ko na lang siya ng masama at hinayaan siya sa gagawin niya.
Nilapagan niya ako ng plato at sinandukan ng fried rice meron din siyang hinandang bacon at fried egg. Sana masarap 'to. Sinimulan ko na ang pagkain pero hindi ako nakakakain ng maayos dahil pakiramdam ko nakatingin siya sa'kin.
"Wag mo kong tignan, hindi pa ko naliligo." Sambit ko na lang sa kanya. Pero parang mas lalo pa niya akong tinititigan, nakapalumbaba pa kasi siya.
"Forth, sorry na."
"Para saan?"
"Kahapon. Hindi kita natulungan kay Ford. Ito na nga bumabawi na ko."
Tumingin ako sa kanya ng diretso at tinapik sa braso. "Hindi naman ako galit." Hindi naman kasi talaga. Ayos lang naman sa'kin na wala siya kahapon. Hindi naman masyadong mahirap mag-alaga kay Ford.
Tsaka ako yung biological father niya kaya obligasyon kong alagaan siya. Yung hindi pagtulong ni Kim, naiintindihan ko naman.
Nag-pout pa siya sa harapan ko, pa-cute ang putek kaya tinugunan ko siya ng malaking ngiti.
"Ang panget mo." Bigla ba naman akong sabihang panget, babaeng 'to akala mo ang ganda niya.
"Tsk!"
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at uminom ng tubig bago tumayo at niligpit yung pinagkainan ko.
"Forth, ako na maghuhugas. Ako na maglilinis ng bahay, magtutupi ako ng sinampay. Naglaba kana ba? Ako na maglalaba. Tsaka gusto mo ako na magluto ng lunch natin, maghahanda ulit ako ng meryenda, akong bahala sa dinner natin. Wala kang ibang gagawin. Alagaan mo si Ford, yun lang!"
"Wow Kim! Ikaw ba talaga yan? Asus! Kumain ka na nga, gutom lang yan."
"Busog ako Forth at super inspired." She smirked!
Hasyt! Bahala siya. Umakyat ako sa taas baka nagising na si Ford. Ang ganda yata ng gising ni Kim, halos hindi ko na rin siya naabutang umuwi kagabi.
Aba't tulog pa rin yung baby ko ah.
Umupo na lang ako sa one-seater sofa at hinarap yung cellphone ko. Nagtungo ako sa Facebook application at nagtingin-tingin ng mga bagong updates and status. Bumungad agad sa newsfeed ko yung post ni Kim.
.
.
.
Kim Della Torre •••
40 mins •🌍