Chapter One

20 4 0
                                    

Kim's POV

"Kim anak, sigurado ka bang doon ka na talaga muna tutuloy sa unit ni Forth? Paano yung trabaho mo? Hindi ka ba mahihirapan?" Yan si mama, nasabi ko kasi na doon muna ako sa unit ni Forth tutuloy. Tutulungan ko si Forth sa pag-aalaga kay Ford. Kailangan niya kasi ng makakatulong especially in this times. "Kim anak, mag-iingat ka doon."

"Ma, grabe naman po yung pag-aalala niyo. One ride away lang naman po mula dito papunta sa unit ni Forth. Pwede po kayong pumasyal doon. Tsaka ma, makakapagtrabaho pa naman ako. Gusto ko lang talagang matulungan si Forth." Pagpapaliwanag ko kay mama, sobra kasi siyang nag-aalala. Sabagay hindi natin masisisi si mama, anak niya ko eh.

"Ma, gusto niya lang makasama si Kuya Forth. Wag kang maniwalang tutulong siya doon." Bigla sagot ni Shine, nakababata kong kapatid.

"No ma! Wag kang maniwala dyan kay Shine. FYI Shine, magkaibigan lang kami ni Forth." Ever since palagi niyang pinagdidiinan na may gusto ako kay Forth.

Wala nga ba Kim?

Wala talaga! Magkaibigan lang kami noon pa. Childhood friends kami and classmates kami since grade 1 not in highschool kasi masyado siyang matalino. Lalo na nung college! Best bud kami at wala kaming secrets sa isa't isa.

"Bakit defensive ka? Sige di na kita aasarin baka ma-fall ka kay kuya Forth. Haha!" Hirit ni Shine as if naman ma-fall ako dun. Malabo yun!

"Shine, wag ganyan. Magkaibigan lang si Forth at ang kapatid mo." Pagtatanggol sa'kin ni mama kaya dinilaan ko si Shine, pang-asar din ako eh. "Kim, magdala ka ng pasta at pang-spaghetti para may lutuin kayo doon. Favorite pa naman yun ni Forth." See, mama knows best. Kilala niya kaya si Forth, sobra.

"Ma and Sis, siguro may abs yun si kuya Forth 'no. Mga ilan kaya?" Nasamid ako bigla sa sinabing yun ni Shine. Ano ba namang tanong yan?

"Bat sa'kin mo tinatanong?" Angal ni mama tas tinignan ako ng sarcastic. "Tanong mo kay Kim." Namula ako bigla dahil sa sinabi ni mama.

Naalala ko tuloy yung nangyari nung nakaraang araw. Whaaa! Shems! So bad to remember that yucky moment.

"Sis you're blushing, wag mong sabihing nakita mo na yung abs ni kuya Forth?" Pagdidiin niya sa'kin. Haaay naku! Kung alam niyo lang.

"Walang abs yung bugok na yun, tabs marami!" Sa sobrang dami ng taba nun sarap gawing letchon. Alisin na nga natin sa usapan si Forth kawawa naman yung kaibigan ko napagod kakatakbo sa isip ko.

So btw, let me introduce myself. Ako si Kim Dela Torre, ang loka-loka sa family. Graduate ako ng primary education and it would be Christian School of Education that I would be a kindergarten teacher. Ang layo ng profession ko sa personality ko 'no. Online Writer din ako at the same time siyempre more more raket para sa family.

Pagdating sa lovelife, WWW! WALANG WALANG WALA! Sa ganitong ganda ko, wala pa rin akong lovelife.

Dati meron.

May crush, marami. Nakatabi ko sa jeep, kasabay sa canteen at nakita sa kalsada.

Pero madalas, bigo.

That is what I've experienced to all the boys I've loved before, to all the persons I've met. To all of those people na pinaasa lang ako, still thank you for not because of the pain they brought to me, I will not be the strongest person today.

But thanks to one man who is there wiping my tears and healing those pains. Swerte ko sa kanya! Salamat kasi may boy best friend akong nakakaramay.

Buti na lang talaga!

Hasyt! Bat ba ako naging madrama?

Dumiretso ako sa kwarto ko para ayusin yung mga damit na dadalhin ko sa unit ni Forth. Sakto na yung mga ilang pirasong damit at yung uniform ko sa trabaho. Wala namang ibang panggagamitan yung damit ko.

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon