Chapter Twelve

7 5 0
                                    

Kim's POV

Pareho kaming nasa sala ni Forth at nahihiya ako sa suot ko, ang laki kasi masyado ng shirt niya sa'kin. Pareho kaming nagkakape at nakakapanibagong walang nagsasalita sa aming dalawa. Palagay ko'y malakas pa rin ang ulan sa labas kaya ganito na lang yung lamig na nararamdaman ko.

Hindi naman bago na magkatabi kami ni Forth sa upuan pero may kakaiba akong nararamdaman, hindi siya normal.

"Forth."
"Kim." Sabay kaming nagsalita.

Ang weird! Bakit kailangan sabay pa kaming dalawa?

"Sige ikaw na mauna." Sambit ko kay Forth na nakatingin lang sa kape ko.

"Mauna ka na." Saad niya na parang nang-aakit. Ang lamig ng boses niya, shems!

Nilapag niya yung kape niya. "Kim, I like you." Bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Humigop ako ng kape at tumalikod sa kanya.
.
.
.
Kim, I like you.

Paulit-ulit yang tumatakbo sa isip ko. Gusto niya ako? Pero bakit parang kinikilig ako. Dapat ko rin bang sabihing gusto ko siya?

"Kim, I'm sincere. Siguro hindi pa ito yung right time para sabihin ko sa'yo. Hindi ko lang mapigilan yung sarili ko." Huminga ako ng malalim at nilapag yung kape ko.

Humarap ako sa kanya. Napatingin ako sa mata niyang bilugan, parang nangungusap yung mga mata niya.

"Siguro hindi ko dapat maramdaman 'to but I really like everything about you, your smile and your personality. Kapag nakikita kita, everything was so perfect but I'm so stupid to fall in love with you and I respect our friendship."

Gusto kong sampalin yung sarili ko para patunayan na hindi totoo yung naririnig ko. Yung best friend ko na nagtatapat ng nararamdaman niya sa harapan ko. Pero yung puso ko sobrang natutuwa, nakalimutan kong kanina'y umiiyak ako sa sakit.

"Ngumingiti ka pero alam ko deep within you, you're battling with so much pain na galing kay Clark. Tonight, I assure you. Tutulungan kitang maging okay ulit." He tenderly smiled at me bago niya ulit kunin yung kape niya sa lamesa.

I'm in pain, he's right. Pero hanggang kailan ako makikipaglaban sa sakit na nararamdaman ko.

"Forth, you are my best friend at sobrang thankful ako dahil I found a person like you. Gusto kong mas makasama pa kita, ayaw kong wala ka sa tabi ko pero Forth, kailangan kong pagalingin muna yung puso ko. Gusto kong mag-focus muna sa sarili ko, sa trabaho ko. Hindi kita ni-re-reject, gusto ko lang munang magpahinga."

Sa tingin ko, alam niyo naman kung ano yung nararamdaman ko kay Forth. Siguro nga gusto ko na rin siya. In fact, Gustong-gusto ko siya.

"Ibig sabihin gusto mo rin ako?"

Tumango ako. "Forth, kelan ba hindi?"

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at nagkatitigan kami. Bumaba yung tingin ko sa labi niya hanggang sa naramdaman ko yung mainit niyang paghalik.

Bakit instead na itulak ko siya ay napapikit ako at parang gumaganti na rin ng halik. Niyapos niya pisngi ko at hindi ko maintindihan kung bakit pumulupot yung kamay ko sa leeg niya.

Dahil sa halik na yun tuluyan akong nahulog sa kanya. Natanggal lahat ng sakit sa puso ko at parang nabubuo ulit ng mga halik niya.

A few minutes later, natapos yung mapusok naming mga halik. Umiwas ako ng tingin at napakagat sa lower lip ko.

Don't tell me gusto mo yung halik niyo ni Forth? You're blushing girl! Umamin ka, gusto mong ulit-ulitin yun.

"Magpahinga na tayo." Tumayo na si Forth kaya tumayo na rin ako.

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon