CHAPTER 15

14.7K 489 36
                                    


"I'm sorry Baby, i didn't mean to do it. Nadala lang ako ng galit ko, siguro dahil sa stress sa school. Babawi ako sa'yo. Let's meet today at 6:00 pm. See you later. I love you baby."

Paulit-ulit kong binasa ang text sa'kin ni Marcus nang magising ako. Bigla kong naalala na naka-pangako pala ako sa kaniya na sabado kami mag-date. Ito pa naman ang first date namin bilang mag kasintahan.

Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at ngumiti habang iniisip ko ang date namin mamaya. Pakalipas ng limang minuto bumango ako upang maligo. Day off ko ngayon ibig sabihin hindi ko kailangan gumawa ng gawaing bahay. Pagkatapos kong maligo dumiretso na ako sa kusina upang mag-almusal. Tuwing sabado si Rafael ang nagluluto ng almusal namin pero  ngayon walang naka-handang pagkain.

"Ano kayang nangyari kay Rafael? Ngayon lang siya hindi nakapagluto ng pagkain."

Nagtimpla ako ng gatas at tinapay na lang ang kinain ko. Tiningnan ko ang wall clock pasado alas diyes na ng umaga masyado ng tanghali kung tulog pa siya. Pagkatapos kung kumain pumunta ako sa kwarto niya upang magpaalam na aalis ako. Natuto na rin akong magpaalam kapag aalis ng mansiyon niya ngayon.

"Tok! Tok!Tok!"

Ngunit wala pa rin nagbubukas ng pintuan. Tumalikod ako upang kunin ang duplicate ng kwarto niyo pero binukasan din niya ito.

"Good morning." Sabay ubo ng sunod-sunod.

"May sakit ka ba?"

Sunod-sunod kasi ang ubo niya at ang kapal-kapal ng suot niyang damit.

"Kaya pa naman. Day off mo nga pala ngayon sige. Ingat ka sa pupuntahan mo, hindi na ako nakapagluto hindi ko kayang magluto." Pagkatapos umubo ulit siya.

"Ah, sige ingat ka rito uminom ka ng gamot para gumaling ka na." Pagkatapos tumalikod ako sa kaniya upang umalis. Ngunit naririnig ko pa rin ang sunod-sunod niyang ubo.

Parang ang bigat sa loob ko na umalis ng mansiyon habang si Rafael walang kasama at may sakit pa.

"Hayss! Malayo naman sa bituka ang sakit ni Rafael."

Lumabas na ako ng mansiyon upang umalis na. Balak ko kasing bumili ng bagong damit para mamaya sa date namin. Gusto ko rin mag-enjoy ngayong araw. Pumara ako ng taxi.

Nang nasa harapan ko na ang taxi hindi pa rin ako sumakay. Hindi kasi ako mapakali sa kalagayan ni Rafael. Mas nanaig ang pag-aalala ko sa kaniya.

"Miss sasakay ka ba?"

"Sorry, may nakalimutan pala ko." Tumalikod ako at bumalik sa mansiyon. Hindi na lang ako aalis may mga bago pa naman akong damit. Mas kailangan ako ni Rafael ngayon.

Hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Rafael. Naisipan kong magluto ng nilagang baka. Nag-search ko kung paano lutuin iyon. Gusto ko kasing ipagluto si Rafael para gumaan ang pakiramdam.

Matagal palambutin ang baka kaya halos dalawang oras at kalahati ang ginugol ko sa pagluluto. Nag-lagay ako ng pagkain sa tray at pumunta ako sa kwarto niya.

"Tok! Tok! Tok!"

"Hanna?" Gulat na gulat siya ng makita ako.

"Pinagluto kita ng nilagang baka para gumaan ang pakiramdam mo."

"Thank you, come in." Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan ng kwarto niya.

Inilagay ko sa table ang pagkain niya.

"Akala ko umalis ka na?"

Lumapit ako sa kaniya at kinapa ko ang leeg niya. "Ang init mo, may thermometer ka ba?"

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon