CHAPTER 7
White wall paint at may nakadikit sa pader na mga larawan ng iba't-ibang kpop. Napadako ang tingin ko sa single size na papag na nilagyan ng kutson. May maliit din na lamesa sa harapan nito at isang hanging cabinet at isang stand fan electricfan.
"Bakit nandito tayo?" Tanong ko kay Rafael.
Isang malapad na ngiti ang tinugon niya. "This is your room." Pinasadahan pa niya ng tingin ang loob ng kwarto.
"Nagbibiro ka lang di'ba?" Gusto kong paniwalaan ang sarili ko gusto niya lang akong inisin dahil sa ginawa ko kanina.
"Hindi ako nagbibiro ito na talaga ang bago mong kwarto."
"Noo! Mamatay ako sa nakakadiri, masikip at mabahong kwarto na ito. Hindi ito bagay sa akin."
"Ayaw mo? Okay, pumili ka gusto mo na katabi ang mga aso namin O dito sa kwarto na ito."
Matalim ko siyang tinitigan habang ang kamao ko ay mariin na nakatikom. "Kung ginagawa mo ito dahil nagluto ako ng maalat na fried chicken at nilagyan maraming sili ang ketchup. Pls, forgive me."
Matalim siyang tumingin sa'kin. "Brat."
"I'm sorry, i will not do it again." Paawa epek pa ako sa kaniya para maawa sa akin si Rafael. Ngunit wala pa rin epekto sa kaniya.
"Inaantok na ako, kung ayaw mong matulog diyan maghanap ka ng pwedeng tulugan." Sabay talikod niya sa'kin.
"Rafael!" Tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon. "Nakakainis!"
Muli kong pinagmasdan ang loob ng kwarto ko baka sakaling biglang may magic at maging maganda ang silid. Bangungot ito at gusto ko ng magising. Hindi ko yata kayang tapusin pa ang punishment ni Mommy. Unang araw pa lang akong nasa poder ni Rafael para na akong isang taon na pinaparusan. Hindi ko ma-imagine kung paano nakatulog ng maayos ang dating may ari ng kwarto."Psh! Baduy." Nang makita ko ang poster ng mga kpop sa dingding. Kinuha ko ang perfume sa bag ko at winisikan ko ang loob ng kwarto tapos pati ang unan at kama winisikan ko ng pabango pagkatapos umupo ako sa gilid kama at isa-isa kong inilabas ang mga gamit ko.
Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'kin kapag nalaman nila ang kalagayan ko, baka pagtawanan nila ako at iyon ang ayokong mangyari. Sinubukan kong tawagan si Mommy at Daddy pero hindi nila sinasagot mukha desidido silang panindigan ang punishment nila sa'kin.
Nag-palit ako ng damit at naghalf bath. Nakaramdam na kasi ako ng pagod dahil sa paglalaba ng damit. Ngunit bigla naman akong napangiti dahil ang totoo sinadya kong lagyan ng zonrox ang damit niyang de-color pinaghalo-halo ko ang damit niyang puti at hindi ko naman talaga kinusot iyon binabad ko lang sa tubig ng may sabon, zonrox at ng sampung minuto at pagkatapos binanlawan ko siya ng isang beses lang bago sinampay.
"Siguradong uusok ang ilong niya sa galit kapag natuyo ang damit niya bukas."
Pinilit kong matulog dahil bukas maaga pa akong papasok sa school.
*********
"Wake up! Wake up!" Nauulinigan ko habang nakakaramdam ako na may tumatama sa mukha ko.
"Pwede ba aling Ludy! Gusto ko pang matulog tatamaan ka sa'kin." Sabi ko habang nakapikit pa ang mga mata ko at niyakap ko pa ang unan.
"Wake up!"
"Ano ba?!" Bigla akong bumangon sa inis dahil sa masakit na tumatama sa'kin. Humanda talaga 'yan sa'kin si Aling Ludy."R-Rafael." Nawala ang inis at antok dahil sa nakita ko. Nakatayo sa harapan ko si Rafael habang kulang na lang talunin niya si Madam kilay dahil sa hindi maipinta ang mukha niya. Napansin ko ang hawak-hawak niya.
"So nalaman na pala niya."
"Good morning." Matamis akong ngumiti sa kaniya na parang nangyari.
"Look at my clothes!" Sabay bato niya sa mukha ko.
"Aray! Wala ka bang natitirang kabaitan sa'kin.
"Gaano ka ba ka-tanga para hindi mo malaman na hindi pwedeng lagyan ng zonrox ang de-color na damit." Nangingig ang panga niya sa galit.
"Hindi ako tanga, hindi naman ako labandera para malaman ko ang bagay na 'yan. Ikaw ang may kasalanan, kung hindi mo ako pinaglaba sana hindi magkakaganyan ang damit mo." Inirapan ko pa siya.
"Tandaan mo katulong ka rito wag kang umasta na parang ikaw ang amo. Katulong ka lang rito.""Bakit kailangan mong sabihin ng paulit-ulit ang pagiging katulong ko? Hindi naman ako magtatagal sa pagiging katulong at kapag natapos ang punishment ko. I swear! Hindi ko papalampasin ang lahat ng ito."
BINABASA MO ANG
Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)
General FictionDahil sa pagiging pintasera, bully at maldita ni Fritzie Hanna pinatawan siya ng punishment ng kaniyang magulang. Kailangan niyang maranasan maging mahirap. Labis-labis ang pagtutol niya sa kaniyang magulang lalo na at titira siya sa bahay ni Rafa...