CHAPTER 25

14K 457 23
                                    

"Good morning self!" Inunat ko ang kamay at paa ko bago ako bumangon at humarap sa salamin. "Ang ganda mo talaga Fritzie." Kausap ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin.

Espesyal ang araw na ito dahil ipagdiriwang namin ni Rafael ang monthsary namin. First time kong magdidiriwang ng ganitong okasyon kaya naman gusto kong maging espesyal ito sa'ming dalawa ni Rafael.

Pagkatapos kong pagmasdan ang sarili ko pinagmasdan ko naman ang maliit na silid na tinutulugan ko. Sobrang liit ng kwartong ito Kumpara sa kwarto ko sa mansiyon. Matigas ang kama at walang aircon. Ngunit habang tumatagal nasasanay na akong matulog dito.

Naghilamos ako at nagtotothbrush bago ako lumabas ng kwarto ko upang magluto ng breakfast naming dalawa ni Rafael.

"Good morning Ma'am Fritzie!"
Halos sabay-sabay na bumati ang limang katulong at sabay-sabay din silang yumuko sa'kin. Napayakap ako sa sarili ko. Hindi ko kasi in-expect na may kasama kami sa loob ng mansiyon dahil hindi ako nagpalit ng damit pantulog.

"G-Good morning." Hindi ko alam kung ngingiti ako sa kanila.

Lumapit si Aling Ising na tumulong sa'kin maglinis noong isang araw.

"Ma'am Fritzie. Halina po kayo at kumain ng almusal." Inalalayan pa niya ako papunta sa kusina.

"Teka! Si Rafael?"

Isang ngiti ang naging tugon sa'kin ni Aling Ising. "Umalis po si Sir may importante raw siyang lalakarin."

"Sa araw ng monthsary namin."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ni Aling Ising. "Anong oras daw po siya makakauwi?"

"Bukas daw po ng gabi."

"Okay." Tipid kong sagot.

Bigla akong nawalan ng gana. Ilang araw kong nag-isip ng magandang gagawin sa monthsary namin. Halos magsearch na ang ako sa google at manuod ng mga tips para lang sa date namin, 'yon pala wala pa lang date na mangyayari ngayon.

Para akong nasa mansiyon namin kung asikasuhin ako ng mga katulong. may nagsasadok ng pagkain ko. Iba rin ang naglalagay ng juice ko sa baso feeling ko tuloy isa akong royalty blood. Pero ang lahat ng ito ay hindi ko nagustuhan dahil iniwan ako ni Rafael na walang paalam.

"Ma'am Fritzie. Ang sabi po ni sir Rafael may darating daw po kayong bisita. Ano po ang gusto ninyong iluto ko?" Tanong ng isang katulong.

I raised my eyebrow. "Sino po?"

Wala naman akong alam na may dadalaw sa'king bisita. Ang pamilya ko lang naman ang nakakaalam nandito ako.

Saglit na nag-isip ang katulong. "Mang Ising sino ba yung sinabi ni Senyorito?"

"Roche."

"Ayun po si Roche."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nila. Kahit hindi maayos ang pagkakabigkas nila alam kong si Rochie 'yon. "B-Bakit daw siya pupunta?"

Nagkibit-balikat ang dalawa. "Hindi namin alam. Sige po aalis na po kami may gagawin pa po kami."

"Thank you."

Agad kong tinawagan si Rafael upang kumpirmahin ang sinabi nila. Ngunit ilang beses akong tumawag sa kaniya hindi niya sinagot. Wala rin akong natatanggap na greeting mula sa kaniya. Unti-unti na akong nakakaramdam ng inis kay Rafael. Feeling ko kasi ako lang yung nakakaalala. Sa inis ko hindi ko rin siga binati kahit gusto kong batiin siya.

Naligo ako at nag-ayos sarili. Hindi ko na muling tinawagan si Rafael dahil baka mas lalo akong mainis at lumabas naman ang pagiging maldita ko. Hindi rin ako tumawag kay Rochie para tanungin siya kung totoo. Nagkulong ako sa kwaeto habang hininhintay ang oras na darating si Rochie. Ang masayang araw na ito ay nagmistulang boring na araw sa'kin.

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon