CHAPTER 5

18.8K 523 37
                                    

Mabilis kong pinaharurut ang kotse ko palayo sa mansiyon namin. Buong gabi akong badtrip dahil sa sinabi ni Mommy kagabi at kahit hindi ko ugaling pumasok ng maaga sa school pumasok na lang ako at nag-dahilan na mayroong tatapusing project para lang maiwasan ko si Daddy at Mommy. Masama ang loob ko sa kanilang dalawa dahil sa ginawa nilang punishment sa'min ang nakakainis mas mahirap ang binigay na punishment sa'kin kaysa kay Kuya John Axle. 

Isang kanto na lang bago ako makarating sa school nang makita ko ang isang lalaking tumatakbo palayo. Sa itsura niya mukhang nabugbog siya. May mantiya ng dugo ang suot niyang uniform 

"Si Mark Ketong iyon ah." Sabi ko nang makilala ko.

Nang mapatapat siya sa kotse ko nakita kong duguan ang mukha niya at halos hindi na makilala ang itsura niya dahil sa maga ang ito.  Well, kahit naman masira mukha niya wala naman siyang panghihinayangan dahil ubod ng panget niya. Ngunit nang malampsan ko siya napansin ko mula sa side mirror ng kotse ko na sumubsob siya. Hininto ko ang kotse ko at pagkatapos umikot ako at pinaandar ko palapit sa kaniya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko nang mapatapat ako sa kaniya.

"Get in!" 

Tumingin siya sa'kin na tila nagdadalawang isip pa.

"I will not hurt you promise. Get inside."

Tumayo siya at dali-daling pumasok sa loob ng kotse ko. 

"Thank you!" Sabi niya.

Hindi ko siya sinagot pinaandar ko na ang kotse ko hindi pa kami nakakalayo may natanaw kaming limang lalaki na may hawak na dospordos. Mula sa side mirror nakita kong nakatingin siya sa'kin.

Pinara ako ng mga estudyante. Huminto naman ako binuksan ang window ng kotse ko sa tapat ko. Konting bukas lang upang wala silang panahon na silipin kung may kasama ako sa loob or wala.

"Yes?" Nakataas pa ang kilay ko.

"May nakita ka bang lalaki na tumatakbo? Magnanakaw kasi iyon kaya hinahabol namin."

"Mukha ba akong pulis para itanong mo sa'kin kung nakita ko ang magnanakaw na hinahanap ninyo?"

"Kung may nakita ka lang naman."

"Wala akong nakita at lalong wala akong pakialam kung may makikita man akong lalaking magnanakaw na tumatakbo."

"Okay, thank you!"

"Tsss! Uso mag mouth wash, bumili ka kadiri ang baho ng hininga mo." Sabay irap ko sa kaniya at pagkatapos sinarado ko ang bintan ng kotse at umalis na ako.

"See, hindi kita ipapahamak." Sabi ko.

"Thank you, may kabaitan ka rin naman pala." Sabi ni Mark.

"Ikaw lang ang nagsabi sa'kin na mabait ako. Anyway, ano bang nangyari bakit ka nila hinahabol?"

"Napagtripan nila ako." 

"Hindi na ako magtataka kung lagi kang napagtitripan ang itsura mo kasi face out na."

"Ganyan naman kayo eh, porket maganda at gwapo kayo gusto ninyo ng pagtripan ang hindi ninyo ka-level."

"Alam mo naman pala bakit ka pa pakalat-kalat?!kung ako sa'yo hindi ako papasok ng mag-isa. Palagi mong sasabayan si Marcus para hindi ka napapagtripan."

"Busy na siya sa girlfriend niya."

Nagbago ang reaksiyon ko nang marinig ko ang sinabi ni Mark. "Maghihiwalay din sila."

"Crush mo rin si Marcus?"

"Bakit mo tinatanong close ba tayo? Hindi ibig sabihin na tinulungan kita pwede ka ng magtanong sa'kin." Mabilis ko siyang nilingon para lang irapan.

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon