NAGKATINGINAN kaming dalawa ni Rafael sa huling sinabi ni Tito Teo, pagkatapos nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.
"Ay! Saan mo ako dadalhin?" Nakangiti ako sa kanya, kahit saan naman kami pumunta game ako sa kanya.
"Ikukulong kita sa isang kuwarto na tayong dalawa lang ang magkasama," kumindat siya sa'kin.
Aamin ko kinilig ako sa sinabi niya parang mas excited ang iniisip niya. "Bilisan mo! Baka makita tayo ni Tito Teo,"
Humalakhak si Rafael pagkatapos lumabas kami ni Rafael sa kuwarto ni Tito Teo ngunit paglabas namin ng silid bigla akong natakot sa nakita ko.
"Fritzie Hanna!"
Nakataas ang kilay ni Mommy habang nakapa-maywang at nakatingin sa'ming dalawa ni Rafael. Kasama ni Mommy ang Mommy ni Rafael at nakatingin sila sa'min. Hindi ko alam kung paano ako titingin kay Mommy baka kalbuhin ako sa harapan ni Rafael, nakakahiya 'yon.
"M-Mommy!" Halos nabubulol kong sabi sa kanya.
"Nagmamadali kaming pumunta rito dahil ang akala namin kung anong masamang nangyari sa'yo, pagkatapos makikita kong ganyan ang itsura mo!" ani Mommy.
"Tita, mahal ko po si Fritzie," ani Rafael kay Mommy.
"Aba't sabi ko bantayan mo si Fritzie hindi landiin, malandi pa naman 'yang si Fritzie, bantay salakay ka pala," inis na sabi ni Mommy.
Hiyang-hiya ako sa sinasabi ni Mommy kay Rafael ngunit wala akong magawa kung hindi ang tanggapin ang sermon niya sa'min. Ibinababa ako ni Rafael sa pagkakarga pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko.
"Ally, malalaki na 'yan sila hayaan na natin ang mga anak natin," sabad ng Mommy ni Rafael.
"Maureen, alam ko naman 'yun kaya lang hindi ito ang inaasahan kong makikita ko," ani Mommy.
"Aysus! Galit na galit ka sa anak mo nag-mana lang 'yan sa'yo," sabad ni Tiyo Teo.
Kampante itong naka-upo sa sofa habang humithit ng sigarilyo. Inis na lumapit si Mommy kay Tito Teo at namayway ito sa harapan ni Teo.
"Hoy, Teo! Kinukunsinti mo ang mga batang 'yan, isa pa, napilitan lang akong magpakasal kay Frits noon," ani Mommy.
Nakita ko ang Mommy ni Rafael na nagkibit-balikat at pagkatapos pumunta sa kusina. Kami naman ni Rafael ay lumapit kay Mommy at Tito Teo.
"Napilitan ka ba? Kaya pala habol ka nang habol kay Frits," pang-aasar ni Tito Teo.
"Mom, hindi pa kami mag-aasawa kung 'yan ang inaalala n'yo, tatapusin po namin ang college"sabi ko.
"Tama po si Fritzie, magtatapos muna kami sa pag-aaral," sagot naman ni Rafael.
"Magpasalamat ka nga Ally at magtatapos sila ng pag-aaral bago magpakasal. Ikaw nga nag-aaral ka pa buntis ka na. Hanep talaga ang baklang si Frits ang lakas ng sperm cell," ani Tito Teo.
"Bwiset ka! Teo, ginagalit mo talaga ako!"
"Relax ka lang diyan baka atakihin ka ng high blood alam mo naman kapag matanda na 'yan ang sakit," nakangising sabi ni Tito Teo.
Kumindat si Tito Teo nang tumingin ako sa kanya, nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. Sinadya talagang galitin si Mommy upang mabaling sa kanya ang pansin ni Mommy.
"Yurielainne! Ang asawa mo susuntukin ko na!" sigaw ni Mommy. Nasa kusina kasi si Tita Yurielainne at abala sa paghahanda ng pagkain.
"Go, Ally!" Narinig kong sigaw din ni Tita Yurielainne.
Pumunta kaming dalawa ni Rafael sa kusina at tinulungan namin sila sa paghahanda ng pagkain. Parating na kasi ang mga tauhan ni Tito Teo at ang four blue eagle, kampante na rin ako nang malaman kong ligtas naman ang nga tauhan ni Tito Teo may mga nabaril pero hindi naman sila napuruhan, agad naman silang nadala sa hospital. Ang four blue eagle kahit matatanda na ang mga ito matinik pa rin sila, safe silang nakaalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)
General FictionDahil sa pagiging pintasera, bully at maldita ni Fritzie Hanna pinatawan siya ng punishment ng kaniyang magulang. Kailangan niyang maranasan maging mahirap. Labis-labis ang pagtutol niya sa kaniyang magulang lalo na at titira siya sa bahay ni Rafa...