"Fritziee!" Halos maputol na yata ang litid ni Rochie nang salubungin ako ng bumababa ako ng kotse ni Rafael."Ano ba! Wag mo akong hilahin."
Tumingin siya kay Rafael. "Peram ako ng bestfriend ko." Sabay hila niya sa'kin hindi na ako nakapagpaalam kay Rafael dahil hinila na ako ni Rochie.
"My gosh! Hindi talaga ako makapaniwala may himala talaga. Walang himala!" Binitawan niya ako at tinaas ang kamay at tumingala sa langit.
"Mukhang tanga." Sabay batok ko.
"Aray! Pasalamat ka at happy ako for you." Ang lapad naman ng ngiti niya.
Nameywang ako at nakataas ang kilay ko. "Ano ba dahilan ng pagiging baliw mo. Malapit na kitang ipadampot."
Hinila niya ako. "Promise magiging masaya ka."
Habang papalapit kami sa classroom namin lumapit sa'kin ang team ng basketball nila Marcus na may dalang red rose.
"For you." Sabay ngiti.
"Tanggapin mo na." Ani Rochie.
"Thanks."
Isa-isa kong tinanggap ang lahat ng red roses na binigay nila kahit hindi ko alam kung para saan iyon. Nang nasa harapan na kami ng classroom namin napataas ang kilay ko nang makita ko ang mga classmate ko sa labas at nakapila. Napansin ko rin ang pagdami ng tao sa paligid namin.
"My cheering dance contest ba?"
"Wait ka lang beshie." Ani Rochie
Ilang saglit pa tumunog ang kantang Valentines.
Isa-isa nilang inilabas ang hawak nilang red roses at muling inabot sa'kin.
"Ano ba ito gusto yata nila akong tabunan ng bulaklak." Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari wala namang gagawa ng pa-sweet effect sa'kin dahil wala naman akong boyfriend. Pagkatapos nilang ibigay lahat tumugtog ang kantang Baby can i hold you tonight.
Nagpalakpakan ang lahat lalo ng lumabas si Marcus na may hawak na bulaklak.
Siniko ako ni Rochie. "Ang ganda mo. Wish come true beshie."
Nagtilian ang mga babae nang lumapit sa'kin si Marcus at lumuhod habang binibigay sa'kin ang bulaklak.
"Totoo ba talaga ito?"
Unti-unting nagsink-in sa isip ko ang nangyayari. Nagsimula na akong kiligin sa nangyayari. Imagine after a years na panliligaw ko sa kaniya heto siya sa harapan ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at pagkatapos dinala ako sa gitna at sumayaw kami ng sweet habang siya ang kumakanta.
Napapikit ako habang nakayakap sa kaniya nakadikit ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. Para akong nakalutang sa langit habang nararamdam ko ang tibok ng puso niya. Ang bilis-bilis din ng tibok ng puso ko habang nararamdaman ko ang yakap niya.
"Heaven."
Pagkatapos ng kanta kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at nagsalita sa maraming estudyante.
"Kayong lahat ang saksi sa aking pagmamahal kay Fritzie Hanna Santiago." Tumingin siya sa'kin.
Ako naman ay kilig na kilig sa kaniya. Naririnig ko rin ang hiyawan ng mga estudyante.
"Alam ninyo ba na sa tagal ng panahon na paghahanap ko sa babaing mamahalin ko ngayon ko lang na pagtanto kung gaano ko kamahal si Fritzie."
Muli namang nagtilian sila ako naman ay napapaluha na sa sobrang kaligayahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/204941338-288-k682396.jpg)
BINABASA MO ANG
Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)
Fiksi UmumDahil sa pagiging pintasera, bully at maldita ni Fritzie Hanna pinatawan siya ng punishment ng kaniyang magulang. Kailangan niyang maranasan maging mahirap. Labis-labis ang pagtutol niya sa kaniyang magulang lalo na at titira siya sa bahay ni Rafa...