CHAPTER 29

13.3K 406 36
                                    

NAKATAYO ako sa parking area habang hinihintay si Rafael. Paalis na dapat kaming dalawa upang umuwi na. Natapos na kasi ang klase sa buong maghapon. Habang naghihintay ako kay Rafael lumapit sa'kin ang dating ka-team ni Marcus. 

"Fritzie!" tawag nila sa'kin.

Tumingin ako sa kanila ngunit hindi ako nagsalita. Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa kanilang apat, kasama sila sa mga nakitawa noong pinahiya ako ni Marcus.

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Marcus?" sabi ni Leo isa sa mga basketball player.

"Not interested." sabay irap ko sa kanya.

"Si Marcus nasa hospital nabugbug siya, pinagtulungan daw bugbugin ng mga lalaking," sabi ni Leo

"Hindi niya ako girlfriend."

"Wala ka bang alam sa nangyari kay Marcus? Galit na galit ang magulang niya. Nakakatakot pa naman ang Daddy niya."

Nag-cross arm ako. "At bakit ako ang pinagbibintangan n'yo sa nangyari sa kanya? Wala na akong pakialam sa kanya, matagal ko ng kinalimutan ang tungkol sa kanya!"

"Huwag kang magalit, nagtatanong lang kami, iyon kasi ang sabi ni Mamopi kahapon noong dumalaw kami sa hospital. Galit na galit ang Daddy ni Marcus sa'yo," sabi ni Leo.

"Wala akong kinalaman sa nagyari sa kanya."

"Okay, sige aalis na kami," tumalikod sila umalis.

Ang talim ng mga tingin ko sa kanila habang papalayo, bakit ako ang tinuturo ni Mamopi sa nangyari sa boyfriend niya? Hindi ko nga dinemanda si Marcus sa ginawa niya sa'kin. pagkatapos ako ang pagbibintangan nila.

"Bakit ganyan itsura mo, Hanna?"

Ngumiti ako nang makita ko si Rafael. Sa kakatanaw ko sa apat hindi ko napansin si Rafael. Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.

"Sorry, natagalan ako," pagkatapos sumakay na kaming dalawa pareho sa kotse at pinaandar niya ito.

"Bakit lumapit sa'yo ang mga basketball member?" tanong ni Rafael habang nagdi-drive siya.

Sumimangot ako. "Ako ang pinagbibintangan sa nangyari kay Marcus, ako ang tinuro ng girlfriend niya, ang babaing walang pwet na iyon. Ang sarap sabunutan."

"Tinuloy rin pala nila." bulong ni Rafael.

"Anong tinuloy?" takang tanong ko.

"Wala naman, nag meeting kasi kami kanina ng mga officer, itutuloy namin ang project na gagawin namin."

"I see… hindi mo naman pala ako pinapakinggan." 

"Sorry, may iniisip lang ako,"

"Okay," sagot ko.

Hindi na ako kinausap ni Rafael hanggang sa makauwi kami mansiyon, pagdating namin sa mansiyon nagulat ako nang makita ko ang Mommy ni Rafael na nagluluto ng pagkain.

Lumapit ako sa kanya. "Tita, ako na po diyan," sabi ko. Kinukuha ko sa kanya ang sandok.

"Ikaw pala Fritzie, nakauwi na pala kayo, magpalit ka na ng damit mo, ako na ang bahala rito."

Dumiretso kasi ako sa kusina nang dumating kami ni Rafael upang uminom ng tubig. Kaya nakasuot pa ako ng school uniform.

"Nakakahiya naman po sa inyo, ako po ang katulong dito."

Ngumiti ang Mommy ni Rafael sa'kin pagkatapos pinagpatuloy ang pagluluto. "Magbihis ka na Fritzie at pagkatapos tawagin mo si Rafael para sabay-sabay tayong kumain."

"Pero—

"Magagalit ako sa'yo kapag hindi mo ako pinagbigyan."

"Sige po, tita magpapalit na po ako ng damit," pagkatapos pumunta na ako sa kuwarto ko. Habang nagpapalit ako ng damit biglang tumunog ang cellphone ko, hindi ko sana ito papansinin ngunit patuloy ang tunog niya kaya kinuha ko ang cellphone ko upang sagutin ang tawag.

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon