Ilang taon kong pinangarap na maglakad sa aisle habang ang mga tao sa loob ng simbahan ay nakangiti sa'kin. Ngunit hindi ito ang araw na hinihintay ko kung hindi araw ng aking matalik na kaibigan. Nakangiti ako habang hawak ko ang bulaklak pagkatapos lumapit ako sa bride and groom.
"Best wishes to both of you," sabay halik ko sa pisngi ni Rochie at niyakap ko naman si Keil.
"Thank you, Beshie." Naluluhang sabi ni Rochie.
Ngumiti ako kay Rochie. "Huwag kang umiyak lalo kang papangit," sabi ko.
"Masaya lang ako ngayon," ani Rochie.
I patted the shoulder of Keil. "Iyakin talaga 'yang misis mo, congrats sa inyo," pagkatapos umupo ako sa katabi ng mga abay ni Rochie.
Sa loob ng limang taon marami sa'ming nagbago, nakapagtapos kami ni Rochie ng pag-aaral at nakapagtrababo na rin sa kumpanya ng aming mga magulang. Nasa kumpanya ako ngayon ni Kuya John Ace ang Clothing company, ako ang vice president sa kumpanya, pinag-aaralan ko ang bawat detalya upang kapag kaya ko na ibibigay sa'kin ni Daddy ang isang kumpanya. Si Kuya Shawn Skyler kasi ang nagma-manage ng kumpanya namin sa Amerika, si Kuya John Axle naman ang humahawak ng Mining company. Habang lumalaki ang pamilya namin dumadami rin ang mga kumpanya namin dahil na rin sa mga nagiging asawa ng mga kapatid ko.
Pilit kong pinipigilan ang luha ko habang pinakikinggan ang message ng bride at groom sa bawat isa, pakiramdam ko ako 'yung kinakasal dahil walang tigil ang pagpatak ng luha ko.
"Hoy, tumigil ka nga sa kakaiyak mo," ani Kuya John Axle. Siniko pa niya ako.
Inirapan ko siya, isa pa itong si Kuya John Axle, bukas magpopropose na siya sa ex-girlfriend niyang si Miyukie. Napabilib talaga ako sa kuya kong ito, dahil nagawa niyang maghintay ng matagal para sa mahal niya, nagawa niyang pag-aralin ang ex-girlfriend niya ng hindi alam ni Miyukie. Ma-swerte si Miyukie sa kuya ko dahil mahal na mahal siya nito. Totoo nga talaga ang kasabihan na kapag ang playboy nagmahal, nagiging seryoso.
"Bakit ba! Nakakaiyak silang dalawa,"
"Tumigil ka nga, baka sabihin nila hindi mo gusto ang kasalan na 'to," ani Kuya John Axle.
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi, pagkatapos muli kong pinagmasdan ang dalawa. Napangiti ako ng sabihin ng pari na you may kiss the bride. Pumalakpak ako sa kaligayahan para sa kanila. Pagkatapos pumunta kami ni Kuya John Axle kay Keil at Rochie para magpa-picture na rin.
"Congrats Beshie. Hinay-hinay lang sa honeymoon," sabi ko.
"Loka! Almost five years naming in-advance ang honeymoon namin, legendary na nga kami roon," nakangisi niyang sabi.
Sumimangot ako. "Sana all may ka-honeymoon,"
Tinapik ako sa balikat ni Rochie. "Oh, sa'yo na 'yang bulaklak na 'yan para ikaw naman ang susunod na ikakasal," sabay abot sa'kin ni Rochie ng bulaklak.
Tumingin ako kay Keil at Kuya John Axle na nag-uusap. "Ayun! Si Kuya John Axle ang siguradong ikakasal magpopropose na niyan bukas kay Miyukie,"
"Wala ka bang tiwala kay Rafael?"
Sumimangot ako. "Anim na buwan na akong walang balita sa kanya baka na-patay sa binigay sa kanyang mission ni Tito Teo," sagot ko.
Nang huli kasi naming magkita ni Rafael, pumunta siya sa London upang sundan ang drug lord na kalaban ng Mafia. Tutol ako sa bagay na 'yon ngunit wala akong magawa kung hindi ang pumayag. Hanggang ngayon wala akong natatanggap na text o tawag sa kanya. Nag-aalala ako para sa kanya pero wala akong magawa kung hindi ang magdasal na sana balikan niya ako.
BINABASA MO ANG
Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)
Ficção GeralDahil sa pagiging pintasera, bully at maldita ni Fritzie Hanna pinatawan siya ng punishment ng kaniyang magulang. Kailangan niyang maranasan maging mahirap. Labis-labis ang pagtutol niya sa kaniyang magulang lalo na at titira siya sa bahay ni Rafa...