CHAPTER 14

14K 469 39
                                    


Mabigat sa loob ko na pumasok sa school na hindi kasabay sa pagpasok sa school si Rafael. Ayaw na kasi ni Marcus na kasama ko si Rafael dahil nagseselos siya.

"Fritzie!"

Huminto sa harapan ko ang kotse ni Kuya John Axle. "Kuya."

Nakasimangot siya sa'kin nang tumingin. "Sumabay ka na sa'min."

Tumango ako at pagkatapos sumakay sa kotse niya. "Bakit ka napadpad dito?"

"Tinawagan ako ni Rafael sabi niya isabay na raw kita sa pagpasok at pag-uwi palagi." Sabay tingin niya sa'kin ng masama.

Yumuko ako upang iwasan ang mapanuring tingin ni Kuya John Axle. Nalungkot ako sa sinabi niya dahil kahit hindi ko pala sabihin kay Rafael ang dahilan ko alam na pala niya.

"Kailan uuwi sila Mommy at Daddy?" Pag-iiba ko ng tanong.

"Wag mong ibahin ang usapan natin. Hindi ko gusto ang boyfriend mo." Diretsang sabi ni Kuya.

Huminga ako ng malalim. "I love him. Mabait si Marcus sana matutunan ninyo siyang tanggapin para sa'kin."

"Hindi kita pipilitin na pumili ng taong mamahalin mo kung talaga siyang mahal mo. Wala akong magagawa pero kapag nalaman kong niloloko ka niya, sinasabi ko sa'yo Fritzie manghihiram ng mukha 'yan sa aso."

"Kuya naman."

"I'm serious."

Bumuntong-hininga ako. "Ang hirap talagang pakiusapan si Kuya John Axle."

Bago pa ako makakababa ng kotse ni Kuya John Axle. Natanaw ko na si Marcus na nag-aabang sa'kin. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa kaniya, pagkababa ko ng kotse lumapit siya sa'kin.

"Good morning." Mabilis niya akong hinalikan.

"Ayy!"

Napalingon kaming dalawa ni Marcus ng sumigaw si Miyukie.

"Guardian Devil! Gusto mo na yata sirain ang pintuan ng kotse mo." Ani Miyukie.

Sa halip na sumagot si Kuya John Axle kay Miyukie nilapitan niya si Marcus bakas sa mukha niya ang galit.

Kinuwelyuhan niya ito. "I warning you, don't hurt my sister or else you'll regret that you're still alive." Sabay tulak niya kay Marcus at dire-diretsong umalis.

"Okay ka lang Baby?" Tanong ko sa kaniya.

Pilit siyang ngumiti sa'kin. "Yes, Baby."

"Let's go!" Sabi ko.

Hinatid niya muna ako sa classroom namin bago siya pumunta sa klase. Tuluyan ng lumipat ng upuan si Rochie. Tiningnan ko siya na masayang nakikipag-usap sa kaklase namin habang ako mag-isa sa table ko.

Gusto ko siyang lapitan at humingi ng sorry kaya lang baka magalit sa'kin si Marcus. Ayokong magalit sa'kin ang boyfriend ko. Naging boring tuloy ang  pananatili ko sa loob ng klase dahil wala akong kausap.

Bago sumapit ang lunch break nakatanggap ako ng text mula kay Marcus.

"Baby, hindi ako makakasabay sa'yo ng lunch at sa pag-uwi dahil may importante akong gagawin. See you tomorrow. I love you."

Nakaramdam ako ng lungkot ng matanggap ko ang text niya. Mag-isa akong kakain sa cafeteria. Sumapit ang lunch break isa-isa na kaming lumabas upang kumain ng lunch.

"Look who's coming girls."

"The stupid." Sabay tawa nila habang papalapit ako sa kanila.

Mabait ako ngayon pero hindi sa mga kaibigan ni Mamopi. Huminto ako sa harapan nila at nameywang ako at nakataas ang kilay kong tinitigan sila.

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon