SAMPUNG beses yata akong humikab habang nagtuturo ang professor namin sa philippines history. Bukod sa hindi ko gustong pakinggang ang tinuturo niya hindi ko rin gusto ang makapal na kilay ni Mrs Cruz na halos magkasalubong na, dagdagan mo pa ang binti niyang punong-puno ng peklat. Ayokong sanang pansinin ang bagay na iyon pero ang mga kaklase ko doon nakatingin at pinagtatawanan siya secretly at naiinis ako.
"Excuse!" Tawag ko ng atensiyon ni Mrs Cruz.
Lahat ng kaklase ko tumingin sa'kin nakita ko naman si Rochie na binibigyan ako ng warning sa pamamagitan ng mga tingin niya.
"Yes, Miss Santiago?"
I flip my hair and stand. "Can you stop the topic mrs Cruz it is really bored." Nameywang pa ako habang nakatingin sa professor namin.
Tumawa ang mga kaklase ko dahilan para magkaroon ng ingay sa loob ng klase. I saw Mrs Cruz nakayuko siya at tila napahiya sa sinabi ko.
"What so funny idiots!" Sabi ko sa mga kaklase ko.
Biglang tumigil ang mga kaklase ko at nakatingin sa'kin.
"Miss Fritzie Santiago. Even if you're a daughter of this school you have no right to insult me in front of this class you have no respect to me."
I sigh. "I respect you Mrs Cruz kaya nga hindi ko matiis na makitang pinagtatawan ka ng mga kaklase ko habang nagtuturo ka." Mabilis kong tiningnan ang mga kaklase ko. Halos lahat sila yumuko sa sinabi ko marahil nabigla sila sa sinabi ko.
"Totoo ba iyon class?" Naluluhang sabi ni Mrs Cruz.
"Sorry Ma'am." Sabay sabi nila.
"Tss… Mrs Cruz. I'll be honest with you don't try again to wear skirt without stacking also minimize to put eyeliner to have kilay coz its not bagay to you the makapal one."
Nagulat naman si Mrs Cruz at sabay iwas ng tingin sa'min. "Okay, thank you Miss Santiago for your concern." Binaling niya sa klase ang tingin niya at galit na galit ito.
"Class, dahil sa kawalang respesto ninyo kailangan kong makausap ang mga magulang ninyo bukas."
"Ma'am!" Reklamo ng mga kaklase ko.
Lihim ako natuwa sa nangyari. Siguradong exempted ako doon at suguradong bibigyan ako ng mataas na grades. Actually, hindi naman talaga iyon ang dahilan bakit ako nagsalita. Naiinis ako dahil ang papanget ng mga kaklase ko.
"Ang galing mo rin beshie."
Nakangiti akong tumingin kay Rochie. Magkatabi lang kami ng upuan.
"What?"
"Kung hindi ko pa alam gusto mo lang mainis sa'yo ang mga kaklase natin sa'yo kaya mo sinabi iyon dahil ang totoo wala kang pakialam sa kanila."
"Bestfriend nga kita." Sabay ngiti ko sa kaniya.
"Hayss! Kailan ka kaya magbabago."
"Kapag naging boyfriend ko na ang gwapong si Marcus Santibastian" Ngumiti pa ako sa kaniya.
"Kahit pumuti ang uwak hindi mo siya magiging boyfriend ayaw niya sa'yo."
Sumimangot ako. "Just wait and see." Sabay kindat ko sa bestfriend kong si Rochie.
"I can't wait to see you lose"
"Ingrata!" Sabay irap ko sa kaniya.
Tumawa naman si Rochie sa'kin. Promise gusto ko na siyang sabunutan ng bongga.
*********
Oras ng lunch break nang puntahan namin si Marcus sa tambayan niya sa billiard's. Ito ang tambayan ng mga gwapo sa school. Bitbit ko ang in-order kong pagkain na binili ko pa sa paborito kong restaurant at siyempre may bitbit akong chocolate para sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)
General FictionDahil sa pagiging pintasera, bully at maldita ni Fritzie Hanna pinatawan siya ng punishment ng kaniyang magulang. Kailangan niyang maranasan maging mahirap. Labis-labis ang pagtutol niya sa kaniyang magulang lalo na at titira siya sa bahay ni Rafa...