Kasing taas na yata ng building sa makati ang kilay ko habang naglalakad ako papasok ng Saint paul international academy. Paanong hindi tataas ang kilay ko ang mga nakaabang sa'kin mga panget sa school. Naniniwala pa naman ako na kapag panget ang bumati sa'yo sa umaga, panget na rin ang buong araw mo.
"Good morning Fritzie!" Bati sa'kin ng estudyanteng lalaki na mukhang Gorilya.
Hindi ko siya pinansin bagkus deretso ako naglakad papasok ng classroom namin. Ito ang pinaka ayaw ko tuwing umaga ang batiin ng mga panget na estudyante ng school. I believe na kapag panget ang bumati sa'yo panget din ang magiging araw mo.
"Mukhang gorilya."
Pagpasok ko pa lang sa classroom namin sinalubong na ako ng kaibigan kong si Rochie.
"Fritzie!" Sabay hila ng braso ko papunta sa upuan ko.
"Bakit mo ako hinihila baka magkapantal ang braso ko."
"May bad news ako sa'yo."
Tumaas ang kanang kilay ko. "What new? Every time I see you, my day is not good.."
"Likewise." Sabay irap niya.
"So what do you want to say?"
"Nothing! Wala na ako sa mood sabihin sayang tungkol kay Marcus pa naman iyon."
"Sabihin mo na kung ayaw mong sabunutan kita beshie!"
Pang-asar siyang ngumiti sa'kin. "Pilitin mo muna ako."
"Rochie!" Inis kong tawag sa pangalan niya.
"Okay! About Marcus, she have a girlfriend." Sabay ngiti ni Richie.
"Noooo!"
Napatingin sa'kin ang mga kaklase ko sa lakas ng sigaw ko. Tinapunan ko lang sila ng matalim na tingin.
"Wala kang magagawa my girlfriend na siya."
"And who's the ugly girl! I will send her to hell!"
"Galit na galit? Ikaw ba ang dating girlfriend? FYI manliligaw ka lang ni Marcus."
Nagbabagang mga tingin ang pinukol ko kay Rochie. "Shut up!"
"Move on ka na beshie, maganda naman si Mamopi anak siya ng Mayor at mabait."
"Si Mamopi Yu? Ang babaeng walang pwet at dilaw ang ngipin? The hell she's so really panget at wala siyang pwet at balakang compare with me sobrang perfect ko!"
"Pero hindi naman ikaw ang girlfriend, so talo ka pa rin." Pang-asar na sabi ni Rochie.
"Damn it!" Sigaw ko ulit. Hinampas ko pa ang table at pagkatapos tumayo ako at lumabas ng classroom. Napatingin naman ang mga kaklase ko sa'kin kaya mas lalo akong nainis.
"Anong tinitingin-tingin ninyo diyan! Gusto ninyong dukitin ko ang mga mata ninyo at ipakain ko sa mga isda!" Sigaw ko.
Agad naman silang umiwas ng tingin sa'kin. "Letche!"
"Where are you going?" Habol na sabi ni Rochie.
"It's not your business!"
Malalaki ang hakbang ko papunta sa classroom ng girlfriend ni Marcus. "Makikita niya ang hinahanap niya!"
"Fritzie Hanna Santiago?" Tanong ng babae na humarang sa dadaanan ko.
Huminto ako at tinitgan ko siya ng masama. "Don't block my way or else pagpapalitin ko ang ulo mo sa paa mo."
Agad namang umalis ang babae sa dadaanan ko. Nakataas ang kilay ko habang pumapasok sa loob ng classroom ni Mamopi. Wala akong pakialam kahit tingnan nila ako ng masama.
BINABASA MO ANG
Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)
Fiction généraleDahil sa pagiging pintasera, bully at maldita ni Fritzie Hanna pinatawan siya ng punishment ng kaniyang magulang. Kailangan niyang maranasan maging mahirap. Labis-labis ang pagtutol niya sa kaniyang magulang lalo na at titira siya sa bahay ni Rafa...