CHAPTER 33

12.6K 405 148
                                    

Parang demonyong ang lalaki habang inaalis niya ang suot niyang pantalon. Nagpupumiglas ako sa pagkakatali sa'kin habang si Aling Sonie ay sumisigaw upang humingi ng tulong.

Ihihagis ng lalaki ang suot niyang pantalon at lumapit sa'kin. 

"Hmmm… ang bango-bango mo," sambit ng lalaki.

"Lumayo ka sa'kin!" sigaw ko.

Hinawakan niya ang buhok ko at hinila iyon palapit sa kanya halos mag-dikit na ang mukha namin ng lalaki. Dinuruan ko siya sa mukha kaya bigla niyang inalis ang kamay niya sa buhok ko.

"Gago kang babae ka! Masyado kang pa-Hard to get!" sigaw nito.

"Mamatay muna ako bago mo ako makuha! Demonyo ka!" matapang kong sambit.

"Saklolo! Tulungan n'yo kami!" Walang tigil na sigaw ni Aling Sonie.

Lumapit ang lalaki kay Aling Sonie at sinampal ito ng malakas. 

"Aling Sonie!" 

Bumagsak si Aling Sonie sa semento. Sobrang galit na galit na ako sa ginawa niya ngunit wala akong magawa dahil nakatali ang mga paa at kamay ko.

Binaling sa'kin ang tingin ng lalaki at pagkatapos muli siyang lumapit sa'kin.

"Wala ka ng kawala sa'kin," sabay tawa niya ng malakas.

"Saklolo! Tulong!" sigaw ko.

Humalaklak ang lalaki pagkatapos hinawakan ang braso.

"Hayup ka!" Pilit akong kumakawala sa abot ng makakaya ko.

"Ang kulit mo'ng babae ka!" sabay suntok sa'kin sa tiyan dahilan para mamilipit ako sa sakit ng tiyan at kapusin ako ng hiningan. 

"T-Tulong…" halos ibulong ko na ang sinabi ko dahil sa paghahabol ko ng hininga.

Biglang bumukas ang pinto ng silid na iyon bago pa makalingon ang lalaki tumalsik na sa mukha ko ang dugo niya sa ulo. Bumagsak ang lalaki na wala ng buhay at naliligo sa sarili niyang dugo.

Nakaramdam ako ng takot sa nakita ko. Walang awang basta na lang binaril ang lalaki na hindi nag-dalawang isip na patayin.

"Pasensiya ka na Fritzie kung natakot sa malibog na tauhan ko."

Hinanap ko ang boses iyon at gayon na lang ang pagka-gulat ko nang makita ko si Mamopi na may hawak ng baril. May kasama siyang dalawang matandang lalaki na nasa edad singkwenta. Nakasuot ito ng kulay itim na amerikanang damit. Samantalang si Mamopi ay nakamaong na pants at pulang jacket na may kulay itim na t-shirt sa ilalim.

"Ikaw?!"

Nakagisi siya habang papalapit sila sa'kin at pagkatapos ay hinubad ni Mamopi ang jacket niya at ipinatong sa katawan ko.

"Mabuti naman at natatandaan mo pa ako," ngumisi siya sa'kin.

Salubong ang kilay ko. "Ikaw ang nagpadukot sa'kin?" 

Hindi sumagi sa isip ko na kayang gawin ito ni Mamopi, mukha siyang palaban sa school pero hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin ang lahat ng ito.

Pinaikot niya ang baril sa daliri niya habang paikot-ikot siyang naglalakad sa harapan ko. Nakangiti siya na tila naaaliw sa nakikita niya.

"Alam mo, kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na makikita kita sa ganitong kalagayan. Ang pinaka-maldita at bully ng school parang basang sisiw na ngayon," sabay halakhak niya.

"Bakit mo ginawa ito sa'kin masyado ka na ba'ng naduwag kaya pinakidnap mo na ako. 'wag mong idamay ang matandang 'yan, pakawalan mo siya," tumingin pa ako kay Aling Sonie.

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon