CHAPTER 26

14.4K 434 46
                                    

Huminto ang kotse ni Rafael sa malaking mansiyon ng mga Lugen. Nagkaroon kasi ng kaunting salo-salo silang ngayon at dahil wala ang magulang ko, kami ang pinapuntang magkakapatid.

"Okay ka lang ba Rafael?" Tanong ko sa kaniya.

Kanina pa kasi siya walang imik mula ng sabihin ko sa kaniyang pupunta kami sa mga Lugen.

Pilit siyang ngumiti sa'kin. "I'm okay, let's go." Una siyang lumabas ng kotse at inalalayan naman niya ako sa paglabas.

"Kinakabahan ka ba?"

Umiling siya. "Hindi naman."

Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan ko siya. "Wag kang mag-aalala hindi naman sila mangangagat, mababait sila promise."
Pagkatapos mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.

Ngumiti siya sa'kin. "Mas effective kung sa lips mo ako hinalikan." Ngumuso pa siya."

"Wag kang abuso."

Magkahawak kaming dalawa habang papasok kami sa loob ng mansiyon. Bago ka makarating sa mismong venue marami ka pang pagdadaanang  mga tauhan na mag-iinpeksiyon ng mga gamit mo. Kilalang tao ang mga Lugen kaya naman mahigpit ang sekuridad dito.

"Fritzie!"

Nilingon ko ang tumawag at nakita kong kumakaway sa'kin si Ate Jhoace napangasawa niya ang panganay na anak ni Tito Teo Lugen.

Hinila ko ang kamay ni Rafael upang makalapit kami sa kaniya. "Ate." Nagbeso-beso kaming dalawa.

Tumingin siya kay Rafael. "What is your name?"

Hinawakan ko sa braso si Rafael. "Ate siya ang boyfriend ko si Rafael."

Napansin ko ang pagtaas ng kanang kilay ni ate Jhoace habang nakatingin kay Rafael. "You look familiar anong fullname mo?"

"Nakita mo na siya noong pumunta ka sa mansiyon,"sabad ko.

"I'm not talking to you, Fritzie." Matalim pa siyang tumingin sa'kin.

Natahimik ako. Ano bang mali sa sagot ko. Tumingin ako kay Rafael kaya siguro siya kinakabahan kanina dahil alam niyang i-hot seat siya ngayon.

"Xion Rafael," sagot niya?"

"And your surname?" Ani Ate Jhoace.

"Xion Rafael—

"Fritzie!"

Nabaling ang atensiyon namin sa tumawag sa'min si Tito Teo. Natahimik si Ate Jhoace. Lumapit ako kay Tito Teo.

"Kumusta na po kayo?"

"Gwapo pa rin ako." Pagkatapos tumingin siya kay Rafael.

"Boyfriend ko po si Rafael," sambit ko.

Inilahad ni Tito Teo ang kamay niya kat Rafael. "Magaling kang pumili."

"Maraming salamat." Nakipag-shake hands siya rito.

"Nasaan po sila Tita Yurie?" Tanong ko.

"Nandoon sa living room busy sa pakikipag-usap sa mga tita mo."

"Pupuntahan lang namin siya."

"Iwan mo na sa'kin ang boyfriend mo. Kikilatisin ko lang."

"Tito Teo, wag mo siyang tatakutin."

Tumawa si Tito Teo sa'kin. "Bakit ko naman tatakutin ang boyfriend mo."

Tumingin ako kay Rafael. Gusto kong makasigurado kung gusto niyang sumama kasi pwede naman akong hindi pumayag sa gusto ni Tito Teo. Tumango sa'kin si Rafael sa'kin kaya naman umalis na ako at iniwan ko sila.

Senyorita Malditah (THE LAST SANTIAGO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon