IX

32 2 0
                                    

Chapter 9

-Drops of Blood-

'I need to get away' she kept on murmuring while half running to nowhere.

Wala na syang pake kung mahuli sya o ano ngayon. Iisa lang naman ang cctv sa may guard's house na kailangan nyang malagpasan.

Napahinto sya saglit habang nag-iisip, malalalim na mga hininga na rin ang kanyang pinapakawalan habang gumagawa ng mabilisang plano.

Ayaw nya mang idamay si kuya guard kaso kailangan nya na talagang makaalis dito.

Lumakad muna sya habang nag-iisip ng iba pang magiging plano kung sakaling pumalpak ang nauna. Paunti unting hinahabol ang hininga.

Kailangan nyang makaalis dito ng hindi sya nahuhuli.

Nakarinig sya ng mga nagmamartsa papunta sa kung saan kaya mas binilisan nya at tuluyan ng tumakbo.

Agad syang nakarating sa gate, ngunit may humarang na rin pagkarating na pagkarating pa lang nya dito. Sinasabi nya na nga ba. Nakaalerto na ang bawat labasan dahil sa nangyari.

"Kuya, andyan na kasi yung sundo ko. Nagpapadala po kasi ako sa ospital, kaso wala po yung nurse na maghahatid sana sakin. Narequest ko na naman po, emegency lang ho" paliwanag nya dito.

Ginalingan nya ang pag-arte upang di sya mabuko.

"Naku iha, asan ang letter? Di ako pupwedeng magpalabas kung walang kasulatan" mahinahon nitong tanggi.

Ayaw nyang gamitin ito ngunit wala na syang magagawa.

"K-kuya... Nandidilim po paningin ko" pautal utal nyang sabi sabay kapit pa sa gate.

Tamang tama naman at pinagpapawisan sya ng malamig sa kaba. Ngininig nginig nya pa ang kanyang kamay at tuhod.

Agad sya nitong dinaluhan, pinapaypayan ng kamay, habang di na rin mapakali. Mukhang napaniwala nya ito.

"Saglit lamang ha, ako na tatawag sa sundo mo. Umupo ka muna dito." Mabilisan nitong bilin at inalalayan sya paupo sa isang upuan.

Kunwari'y nanghihina sya at di makaimik.

Binuksan nito ang gate at nawala na sa paningin nya.

Mabilisan syang nagsulat sa isang papel at iniwan ito.

Tinignan nya ang tanging cctv na nakatutok sa gate, malalagpasan nya agad ito kung tatakbo sya ng matulin.

Sa isang iglap ay tinakbo nya ng mabilis ang daan kung saan ang binuksan na gate ni kuya.

Tumakbo sya ng tumakbo hanggang sa makasalubong nya ito. May katandaan na rin kasi ito kaya malamang ay hindi sya mahahabol kung sakali. Nakokonsensya na sya ngayon pa lang.

"Pasensya na po" hingi nya ng paumanhin sa hangin at tinuloy ang mabilisang takbo.

Nahinto naman ito sa kanyang pwesto at saglit na napatulala sa tumatakbong pigura nyang papalayo.

Mas binilisan nya ang takbo hanggang sa makalabas na sya sa premises ng paaralan.

Sa takot na maabutan ay agad syang kumaliwa sa daang hindi pamilyar. Ni hindi nya pa nararating ang lugar na ito. Sana lang ay walang mababagsik na hayop ang naghihintay sa kanya.

Medyo lumala ang hingal nya at sumandal muna saglit sa isang matikas na puno.

Nakarinig na naman sya ng mga hakbang papunta sa kung saan. Mabilisan syang dumapa at nagtago sa isang kumpol ng mga halaman.

Nang mawala muli ay agad syang nagtatakbo nang walang patutunguhan. Madapa dapa halos sya sa pagmamadali, at nagkakandasabit sabit sa mga sanga at mga halamang mababa.

Restraining DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon