X

32 2 0
                                    


Chapter 10

- Who's Eris? -

What? Anong-

"Teka!" Hindi na nya ito napigilan sa pag-alis.

Parang sasabog na ang utak nya sa sobrang dami ng katanungang hindi nasasagot. Tapos ang pinaniniwalaan nyang birthmark ay marka daw ng isang mahika?! Sino ba ang papaniwalaan nya? Napakagulo!

"I see you're having your inner turmoil" napasinghap sya ng makaramdam ng presensya.

Hindi ito ang lalaking may-ari ng mansyon, ngunit pamilyar ang mga mata.

"I can help you" napamaang sya sa sinabi nito.

"Shall we?"

Iginaya sya nito sa may hardin, iginala nya ang paningin at natuwa sa nakita. Madaming mga paru paro na naglilipana sa mga magagandang bulaklak.

"They're my sentinels"

"Hindi sila ordinaryong mga paru paro lamang. They're pixies." Pagkasabi nito ay kumumpas ito sa hangin.

Namangha sya sa nakita.

Ang mga paru paro ay lumapit sa kanila at humilera sa harapan nila. Sabay sabay ang mga itong yumuko.

Napaatras sya ng makita ang tinutukoy nito, mga maliliit na tao na may pakpak ng paru paro. Kakaiba ang mga mata ng mga ito dahil puro berde ang mga mata. Walang puti!

Akala nya pa noong una ay magkakamukha ngunit may pagkakaiba ang bawat isa. Kakaiba ang mga tenga ng mga ito, tila mga matutulis ang dulo. May mga makikintab na bagay ata o kung ano ang mga nasa bandang mukha ng mga ito.

Nakasuot ang mga ito ng di pangkaraniwang mga kasuotan. Parang mga telang pinagtagpi tagpi ngunit napakagandang pagmasdan.

"Whoa!" Natatawa sya sa pagkamangha.

May isa kasi dito ang ngumiti sa kanya at kumindat.

Nagulat sya ng sabay sabay itong umalis sa harapan nila at nagpunta na sa mga bulaklak. Mukhang pinaalis na ng lalaki.

"What should I call you?"

"I'm Eris"

"Goddess of discord?" Biro nya dito.

"Wala kaming kinalaman sa kanila" sagot nito na kinabigla niya.

"Y-You mean they're real?!"

"Hindi ako sigurado, ngunit napakadaming mga nilalang na hindi pa natin nakakasalamuha" dahilan nito.

Mahabang katahimikan ang nanuot sa paligid, hindi na sya nakaimik sa sinabi nito.

Kung ganoon... Madami pang ibang nilalang dito. Can we see them? No, hindi na sya kabilang sa mga normal na mga tao. Paniguradong hindi sya normal.

"You're right, but... I can't really pinpoint what kind of creature you are. At hindi ko rin alam ang history ng mga katulad natin kaya hindi kita matutulungan sa parteng iyon" napatango tango naman sya.

"But some of your questions... Well, I can help you" ngumiti ito at humalukipkip.

Naupo sya sa isang hakbang ng maikling hagdan pababa sa hardin. Sumunod din ito.

She hugged her knees while staring at the beautiful creatures in front of her.

"Ask away"

Ito naman ang tinitigan nya.

Nakangiti nitong pinagmamasdan ang mga 'sentinels' nito. Kumikislap din ang kulay ginto nitong mga mata. His brown unruly hair almost covers his beautiful eyes. Katamtaman lang din ang tangos ng ilong nya. Maninipis naman ang labi nito ngunit kapansin pansin ang maputlang kutis nito. Ang puti ng mata nito ay nanatili,marahil kapag kalmado ang mga nilalang.

Restraining DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon