XX

15 2 0
                                    

Chapter 20

- Ignited -


Hinihingal na siya kaka paddle paangat sa sarili niya. Nagpalutang lutang na lang sya habang nakatihaya, ngunit nakapikit dahil sobrang liwanag ng kalangitan kung didilat siya. Kalmado ang tubig at mahihinang alon lamang ang tumatama sa katawan niya.

She forgot to bring the shades Colin got for her, maybe she'll ask her later. Colin might have a spare or maybe even Dio.

"Wala ba kayong dalang salbabida?!" Sigaw niya sa malayong dako na nilalanguyan ni Genesis. Lumalangoy ito malapit sa mga rock formations at mukhang may sinisilip doon.

Mas malayo kasi si Colin dahil nasa mas malalim na parte ang babae. Si Dio naman ay kanina pa umahon dahil pagod na. Si Eris... Hindi niya alam kung nasaan pero nabanggit kanina ni Dio na nauna na daw ito sa kanilang magtampisaw.

Pinangangatawanan ang tuluyang pag-iwas sa kanya. Bahala na ang lalaki sa gusto niyang mangyari, basta ngayong araw, mas pinagtutuunan niya ng pansin ang karagatan. Bahala ito sa kung anumang trip nito sa buhay.

Sila Samour at Elena ay kanina pa namahinga sa parte na may mga duyan, napagod na rin ata. Gusto niya sanang hanapin kung nasaan nakahinto ang mga kabayo upang masakyan paikot sa buong dalampasigan kaso nage-enjoy pa siya kakalangoy. Hindi gaanong malamig ang tubig.

"Ano?!" Sa wakas ay sumagot na ang lalaki at lumapit sa pwesto niya. Umupo muna siya sa di kalayuan na batong mababa, hanggang bewang lang ang tubig sa parteng iyon.

Medyo maingay niyang hinahabol ang hininga, hinihingal bahagya.

Sumunod naman kaagad si Genesis at umupo sa katabi lang na bato. Pilit niyang iniiwas ang mukha sa banda nito, pakiramdam niya ay mamumula siya nang sobra kung mapapatingin muli siya rito.

Kanina lang ay inaasar siya nito dahil namula siya nang nakita ang hubad na katawan nito. Naka-itim na trunks lang ito at nakakaloko ang hubog. Bitak bitak at masyadong makasalanan tignan.

"Salbabida kako" mahinahon niya ng turan dahil malapit na naman ito. Hindi na niya kelangang sumigaw.

"Ah... Nasa kubo" sagot nito at agad siyang iniwan. Bumalik ito sa pwesto nito kanina at tuluyan nang pumasok sa kweba. Masama niyang tinignan ang papalayong bulto ng lalaki.

"Masyado ka namang nawiwili sa katawan ko, Ariel" sigaw nito. Napanganga siya at nag-init ang mukha. Ang kapal! Porket maganda ang katawan?! Ugh!

Kinalma niya muna ang sarili bago bumaba sa bato. Pinipigilan niya rin ang mga bulong bulong at pag-irap niya sa kawalan. Naiinis siya sa pang-aasar ng lalaki sa kanya.

Takot siya kaya hindi siya sumunod sa lalaki, plano pa naman niyang asarin ng pabalik ngunit hindi siya masyadong kumportable sa madilim at masikip na lugar.

Mabilis siyang nakarating sa pampang at nakita na nag iihaw muli si Elena habang nakatingin sa kanya ang katabi nitong anak. Kumaway pa ito sa kaniya na ikinangiti niya.

Umihip ang malamig na hangin na bahagyang nagpanginig sa kanya, mas mabilis siyang naglakad.

Dumaan siya saglit sa kaliwa kung nasaan nakasabit ang mga sarong nila ni Colin, nasa bungad ng pintuan ng kubo. Ramdam niya ang paninitig ni Eris sa kanya, mukhang hanggang ngayon ay di pa bumabalik ang ibang kasama nila.

Hindi niya ito muling tinapunan ng tingin, bagkus ay mas nilaan niya ang pansin sa pagtatali ng maayos ng sarong. Ngayon titingin tingin ka? She inwardly snickered to that thought.

"Floaters..." Mahinang bulong niya sa sarili bago pumunta sa loob ng kubo. Ramdam niya pa rin ang pagsunod ng tingin ng lalaki sa bawat galaw niya.

Kating kati na siyang kausapin ito ngunit ayaw niyang masira ang kung anumang kasiyahan ang natitira sa araw na ito. Payapa ang lahat at ayaw niyang gumawa na naman ng komusyon. Maiilang na naman ang mga kasama niya sa kanila.

Restraining DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon