Chapter 16
- Equinox -
"Anong sagot ba ang gusto mo?" Natawa sya sa tanong nito.
"Of course the truth!" Mahina nyang pinisil ang bewang nito.
Napapiksi ito at tumawa.
She can see from here how his eyes twinkle with happiness and other emotions she can't name. He looks happy.
"Ang mga bituin sa mundong ito, sila ang pinaka pinuno ng bawat nilalang. Kahit ako ay di pa sila nakikita ng personal pero I guess we can call them gods and goddesses? They're like a powerful deity that inhibit this world"
"Tapos?"
"Well they can be seen in the sky... Kung kinulong sila"
Naguluhan sya.
"Ha? Paanong-"
He immediately cut her off.
"Even deities can feel emotions, kaya nakakagawa sila ng kamalian at kasalanan. If it's too much, they need to be punished. Ang kulungan na iyon ay di mapupuntahan ng kahit sino maliban sa mga punishers or the deities themselves. Sila lang ang papapasukin ng lagusan papunta doon."
"Anong mga kasalanan?"
"One deity caused a war between two creatures. It almost made them extinct pero naagapan. The deity died due to severe punishments and his guilt. He loved someone, that's why the war started. Labis syang sinasamba ng mga naniniwala sa kanya, ngunit nalaman nilang may iniibig ito sa di nila kasundong nilalang. Di ko alam kung papaano nagsimula ang digmaan. But the guy that the deity cherished, ended up dead."
Nalungkot sya sa narinig.
What a tragic story. The deity only wanted to love someone but other people wanted to hinder it.
"But wait- Pupwede ang same sex marriage dito?" Huli na noong naintindihan nya.
"Marriage? As in kasal? We don't have that here. But yeah, anyone can love and be loved. Wala sa amin ang kasarian o ano pa man yan" napanganga sya sa sagot nito.
Wow! Buti pa sa mundong 'to hindi jinajudge ang mga ganoon. If only her country allow same sex marriage and divorce.
Masyado kasing apektado at pakialamero ang mga tao sa bansa niya. Kung ayaw nila sa kapwa babae o lalaki, then wag silang makipagrelasyon. Kung ayaw nilang makipaghiwalay sa asawa nila,edi wag.
Wala namang pumipilit sa kanila na gawin iyon kung sakaling pupwede na.
Bakit hindi nila bigyan ng pagkakataon iyong mga indibidwal na maging masaya? Na maging malaya sa nakakasakal at mapanakit na pagsasama?
Just because they don't need it, they'll instill something na sila sila lang rin ang makikinabang. Papaano naman ang ibang tao? Those things are choice, big deal to others. Hindi ibig sabihin na kailangan nyong gawin dahil lang isinabatas na.
Ang kikitid ng mga utak!
"Hey, you look like you'll punch someone" naistorbo ang nanggagalaiti nyang pag-iisip.
Malakas na napabuntong hininga na lang sya. Pagtingin sa harap ay mukhang kanina pa sila nandirito.
"Hey! Bakit di mo sinabing nandito na tayo?" Nakangusong tanong nya.
"What? Ayoko ngang masapak" natatawang sagot nito.
Napangiti na lang siya at nagtitingin tingin.

BINABASA MO ANG
Restraining Dawn
Random(Beginning Series#1) "You can't even distinguish the lies they told you, Ariel. You've been fooled." Date Started: 08/10/2021 Date Finished: 08/09/2022