Chapter 11
- Fleeting Moment -
Napanganga sya sa sumabat.
"She's right, Ariel" tumatango tango pa si Diane sa sinabi ng ginang.
Saan nanggaling iyon?! Bigla biglang sumusulpot.
"Ate..." Nagbaba sya ng tingin sa bata.
He motioned her to come closer, and so she did.
Nagulat sya at halos mapaatras ng amuyin nito ang bandang leeg nya.
"Totoo nga ate! Amoy vanilla at rose nga po kayo! Ang bango bango nyo po!"
Namula na sya ng tuluyan, ang tatlo ay nakamasid sa kanya. Walang sali salita na umalis sya doon at nagpunta sa may gilid ng mansyon. Ramdam nyang walang nakasunod sa kaniya kaya nagtuloy tuloy sya ng upo sa swing.
Nakakahiya! Bakit ganon ang mga iyon?!
Pinalobo nya ang pisngi habang mahinang tinutulak ang swing.
"You're so flushed" napasadsad ang kanyang paa sa gulat.
May bato pa atang matulis syang naapakan. Ramdam nya ang kirot at hapdi nito.
Patag ang lupa dito kaya paano nagkaroon ng bato?
"Uhm... Excuse me?"
Di nya alam kung nababaliw na ba sya o ano. Wala naman kasing nilalang sa paligid nya.
Tinignan nya muna ang paa na ngayo'y may bahid ng dugo.
"Arte mo"
Nagulat sya ng may tumulak sa kanya paalis ng swing. Nang lingunin nya ay wala namang tao. Masakit ang bagsak ng pang-upo nya sa lupa, bahagyang nagasgasan din ang palad nya.
Anong kalokohan ito?!
"Sino ka?! Magpakita ka sakin!" Nagsisimula na syang matakot.
Humalakhak naman ito sa nakakainis na paraan. Di nya mabosesan, minsan babae na may matinis na boses, o di kaya'y lalaking may kababaan ang boses.
"Oh dear, look at you. Nagdudugo ang paa, kawawa ka naman. Yan ang napapala ng mga mang-aagaw"
Nakakairita ang boses nito sa pandinig, matinis na parang sa isang mangkukulam.
"Colin, tumigil ka"
Napaangat ang tingin nya sa nagpakitang ginang. Nakatingin ito sa may likudan nya, tila may taong nakikita doon na hindi nya nakikita.
Inalalayan sya nito patayo, kahit labag sa loob na ibigay nya dito ang bigat nya ay ginawa nya. Kanang paa kasi ang nasugatan at di nya maitapak. Halata nya ring malakas pa din ito kahit may edad na.
"Makakarating sa kanya ang ginawa mo" babala ng ginang at inakay sya papunta sa loob.
Ang sala ang unang bumungad sa kanila pagkatapos ng bulwagan kaya't doon sya iniupo ng ginang. Mabilis itong umalis at bumalik bitbit ang isang planganita na may tubig. Sumunod dito si Samour na may dala dalang mga halamang gamot ata.
Nag-aalala ang mukha ng bata na nakatingin sa kanya. Sinimulan nito ang pagbabanlaw at paglalagay ng mga dahon.
She winced because of the pain. Hindi pangkaraniwang sakit ang naramdaman nya, tila hindi isang normal na bato ang sumugat sa kanya.
Tumabi ito sa kanya pagkatapos at hinawakan ng marahan ang kanyang kamay.
"Ni minsan ay di nagkaroon ng aksidente sa hardin na iyon. Ano bang nangyari sa hardin? Paniguradong kagagawan iyon ni Colin. May bakas ito ng mahika, kaya ganyan kasakit"

BINABASA MO ANG
Restraining Dawn
Random(Beginning Series#1) "You can't even distinguish the lies they told you, Ariel. You've been fooled." Date Started: 08/10/2021 Date Finished: 08/09/2022