Chapter 12- Starless Nights -
Pakiramdam nya ay mahuhulog ang puso nya mula sa ribcage na pinaglalagyan nito!
Pagkalingon ay nakaupo pala ang lalaki sa malapit. Kaya paglingon nya ay halos magtama ang kanilang mga mukha.
Agad agad syang tumayo at lumayo nang mapagtanto ang itsura at pwesto nila.
"Bakit ka ba nanggugulat ha?!" Napabuga sya ng malalim na hininga.
He just looked at her with sharp eyes. Rolling her eyes, she went near to Diane who's smiling at them.
Sungit was about to turn his back on them when she realized what Diane said.
"Saglit!"
"Nasaan na ang mga magulang mo?" She curiosly asked him.
His eyes went to Diane and her. May bakas ng pagkadisgusto sa mga mata nito. Napatulala sya ng makitang yumukod ang pixie dito.
"Pasensya na" her lips parted.
Bakit mukhang takot si Diane dito?!
"It's inappropriate to tell her about them, pixie" mariin nitong bilin.
Tumango tango naman si Diane at nakayuko pa din hanggang umalis na nga tuluyan ang lalaki.
"Bakit ko ba nakalimutan? Hindi nga pala maaaring basta basta lamang ipaalam kahit kanino ang impormasyong iyon!" Pakikipag-usap ng katabi sa sarili.
Takot na takot, Diane? Anong meron? Nakakainis talaga iyong lalaking yun.
Bakit ba pinganak na rude ang isang iyon?
"Diane, matagal mo na bang nakakasalamuha yung lalaking pinaglihi ata sa tae?"
"Ha? Sinong tae?" The pixie's breath almost tickled her.
Lumapit pa kasi ito sa pagkakasandal sa kanyang tenga. Tumawa ito ng bahagya nang naigalaw nya ang kanyang ulo at leeg. Bahagyang nakiliti sa paglapit nito.
Mabilis itong lumipad papunta sa kanyang tuhod na nakatiklop sa harapan. Nakatukod ang dalawang palad sa magkabilang gilid at nilalagay ang bigat sa pang-upo at kamay.
"That man" sumulyap sya saglit sa nakatalikod na bultong papaalis.
She's not even finished asking him, yet he turns his back rudely. Naiinis sya!
"Oh... Pero bakit tae?"
"Sama ng loob"
"I don't get it" the pixie awkwardly laughed.
She just shrugged her shoulders and pouted, her head moved the other way. But her eyes and mind wandered somewhere.
Pero pupwede ring hindi sya ganyan dati diba? Maybe something happened that's why he's like that now.
An incident? Even though change is inevitable, her hunch says that something really happened. She's really curious.
"So ganyan na nga sya dati pa?" She watched as his silhouette faded from the hallway.
"We can say that... Pero hindi sya ganyan kasuplado" doon sya napabalik ng tingin sa may nilalang na nasa kanyang tuhod.
"Pero baka trip nya lang"
Napahilot sya sa puno ng ilong nya dahil sa malabong sagot ni Diane. Napakaayos! Nahawaan nya ata sa pagiging baliw.
"Asan na ba si Samour?" Naibulalas nya na lang ng may makitang kakaibang nilalang sa may hardin.

BINABASA MO ANG
Restraining Dawn
Diversos(Beginning Series#1) "You can't even distinguish the lies they told you, Ariel. You've been fooled." Date Started: 08/10/2021 Date Finished: 08/09/2022