III

50 3 0
                                    

Chapter 3

-Bottled-

She's sobbing, unaware of what's happening in her surrounding.

And her birthmark's aching, because of a reason she can't name.

"Ariel, tell me. What happened? Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Reese sa kanya na naabutan syang umiiyak at humahagulgol sa tapat ng gate na nakaupo.

Hindi nya ito masagot, hindi nya din alam kung bakit. Kung bakit sobra sobra syang nasaktan sa nakita, o sa pakiramdam ng nakita. Naguguluhan sya, wala na syang malay kung bakit sya umiyak. Basta pagkatapos ng nakita nya, bumuhos na lang ang mga luha nya at di nagpapaawat.

Naabutan sya nito, kakagaling lamang sa eskwelahan at inalalayan sya papasok. Nandito na sya sa sofa, katabi ang nag-aalalang kaibigan. Hinihimas himas nito ang likod nya, habang pinapainom sya ng maligamgam na tubig.

"Okay, I will stop asking. Just... Just go to your room. Magpahinga ka, tatawagin kita kapag nakahanda na ang hapunan" bilin nito at inalalayan sya sa pagtayo.

Tanging tango lang ang kanyang naisagot at nanghihinang tumayo.

Hindi maubos ang mga luhang nag-uunahang dumausdos sa magkabilang mata nya. Parang gripong di matigil sa agos ang mga luha.

Nakarating sya agad sa kwarto at dumiretso sa kama, ni hindi nya na inalala na nakasuot pa din sya ng sapatos na dumapa at sumubsob sa unan.

...

Nagising sya sa ingay na nanggagaling sa unang palapag. Ni hindi nya namalayang nakaidlip sya.

Napabangon sya ng wala sa oras ng may marinig na nagbagsakan na mga kung ano. Wala pa sa tamang wisyo.

Dali dali syang lumabas, ni hindi napansin ang tuyong luha na naging muta sa mga mata nya. Pati ang gusot gusot na damit. Habang pababa sa hagdanan ay naririnig nya ang mga mahihinang pag-uusap ng mga tao.

Di nya masyadong marinig ng maayos.

"Shut up!---"

"---she needs to know"

"she's remembering --- not yet okay"

"--- we shouldn't force---"

"--- when's the perfect time then?"

Paputol putol ang mga boses, tila nag-iingat na hindi marinig ng iba. Humina ito ng humina hanggang sa makarating sya sa dulong baitang. Hindi nya na narinig ang mga bulungan.

"You're awake" mabilis na sabi ni Reese ng makita sya at humarang sa daanan.

Di nya alam kung namamalikmata sya pero may nakita syang dalawang anino sa kaliwa kung saan ang kusina. Bigla itong nawala.

Baka pinaglalaruan na naman sya ng imahinasyon nya.

"May kasama ka?"medyo paos nyang tanong dito.

Kagigising lamang kaya ganito ang boses nya, baka nga namumungay pa ang mga mata nya.

"Uh... No, may kausap lang ako sa phone" saglit na may dumaang panic sa mata ni Reese ngunit agad iyong nawala.

Nginitian sya nito at hinila sa may dining table, nakahain na ang mga kubyertos at plato. Pati ang ulam, kanin at may inumin pa.

She even removed the stains on her face.

"What's with the red wine? May dapat ba tayong i-celebrate?" Nagtataka nitong tanong sa naghanda.

May nakakalimutan ba syang okasyon? Matagal pa naman ang kaarawan nito.

"Ang dami mong tanong, Maria Floresca. Kumain na lang tayo" naiiling iling ito at nauna ng umupo.

Restraining DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon