II

64 4 0
                                    


Chapter 2

-Birthmark-


Napamulat sya ng wala sa oras dahil sa gulat.


"W-what?" Hindi nya sinasadyang mautal ngunit masyado syang nabigla. He knows him.


"Yeah" he almost said breathlessly.


"He... I want you to stay away from him, Ariel. Hindi sya mapagkakatiwalaan, iwasan mo sya kung maaari" Ngayon nya lang siya nakitang ganito. He was always that calm and collected guy, she never saw him like this again. Bothered and troubled.


Kahit na ba pinapagalitan siya nito kapag may kalokohan syang ginagawa, hindi sya ganito. This is the first time.


"I don't wanna say this but, he's a complete scumbag" gulong gulo nitong sabi habang nagmamaneho.


Sumakit ang ulo nya dahil doon, lalo syang naguguluhan at nababanas. Why the fuck would he try to approach me? She don't wanna be rude but he's being a fucking creepy admirer.


May narinig syang kaluskos sa tabi nya, mukhang may kinukuha mula sa kung ano si Frost. Pagkatapos ay huminto ang sasakyan. Di na siya nag-abala pang ibukas ang mga mata dahil sa sakit sa ulo.


"3 chocolate sundaes, 2 burger, 2 coke float and 2 large fries. Tapos pakihiwalay ng paper bag ng 2 piece chicken with rice, spaghetti and 2 large fries. Thank you." rinig nyang sabi nito. Mukhang nasa drive-thru sila ng isang fast food chain.


"I ordered our usual, uwian na din natin si Reese" wala pa ring ibang emosyon ang maririnig sa sinabi nito. Andoon pa din ang pagkabahala.


Tumango na lang sya, nanatiling nakapikit. Maya maya pa ay umandar na din at di nagtagal ay nakuha na nila ang order. Tinapik siya nito sa braso kaya nagmulat na sya, tinabi nito muna sa parking lot ang sasakyan.


Sinimulan na nilang kumain ng tahimik, hindi tulad noon na nag-iimikan at nagdadaldalan.


"Hey... I'm sorry, natakot ata kita" he said and sighed after. Napatigil naman sya sa pagkain at binaling sa mga mata nito ang atensyon.


"Medyo, tsaka nairita ako din kase ako kay Erich kaya tumahimik ako" paliwanag nya sa mahinang boses.


"It's just, friendly syang nag-approach pero there's something off. Kilala mo ako, kapag di ko gusto ang hangin ng tao, ayoko talaga" kwento nya rin dito.


Nagpakawala ito ng malalim na hininga at pumikit saglit. Pagdilat ay may kakaibang emosyon sa mga mata na hindi nya mabasa ng malinaw. Is it fear? Worry?


"Basta lumayo ka sa kanya, okay? Call me if he tries to bother you again" Mahinahon nitong paalala. Tumango naman sya habang nakakagat sa burger. Kinuha nya ang coke float at sumimsim sa straw.


"Sayo na 'tong sundae, alam kong hindi kasya sayo 'yang isa lang" nakangiti na nitong alok at inabot sa kanya ang hawak. Ngumisi naman sya at di na tumanggi.

Restraining DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon