VIII

31 2 0
                                    

TRIGGER WARNING:

GRAPHIC DEPICTION OF VIOLENCE

Chapter 8

-The Much Awaited School Fest-

"There's a fucking dead deer inside?! At papaano nagkaroon ng ganoon doon sa loob ha?! Paano?!" Lalong lumakas ang boses nya.

Ayaw na ayaw nya na may sinasaktang hayop, or worst case scenario, ang may pinatay na hayop katulad ng nakita nya sa loob.

Pinugutan ito ng ulo, nakatiwangwang sa may dulo ang halos mabulok na katawan nito. Pinuputakte na ng iba't ibang klaseng insekto at nagsisimula ng mabulok. Not only ants but other disgusting insects were starting to surround the carcass.

Ang ulo naman nito ay nasa ilalim ng hukay at kitang kita nya ang sungay nito. Dito rin galing marahil ang patak ng mga dugo sa sahig. Nakakadiri ngunit mas lumamang ang awa sa kanya. Sapat na ang liwanag sa labas para makita nya ang kalunos lunos na sinapit ng hayop.

Naiwan pa doon ang ginamit na itak ng may sala, punong puno ito ng dugo na halos dumikit na sa patalim noon. It's almost impossible to see a dear here in their area. Where did they get it? And why did they have to kill it?

"You calm now?" Wala pa ring emosyon nitong tanong.

Inirapan nya ito at tinalikuran.

"Fine"

Doon sya napalingon.

Sinasabi ng isang 'to?

"I'll find the culprit, happy?" Irap muli ang iginawad nya dito bago pumunta sa dapat na lilinisan nya.

NATAPOS ANG BUONG ARAW NA WALA silang kibuan, hindi katulad kanina.

Inis pa din sya dito.

This will be her last task and she just finished cleaning. She hurrily went to the girl's locker room to change her shirt.

Simpleng tango lang ang iginawad nya dito bago tuluyang umalis.

Pagkauwi ay agad syang dumiretso sa kwarto at naligo. Napagpasyahang gawin na ang karamihan ng paperworks dahil pasahan na nito pagkapasok.

She's in the middle of drawing something when she heard a knock from her door. It must be Reese.

"Pinapababa ka ni Reese" nakangiting sabi nito.

Tinanguan nya ito bago isasara sana ang pinto nang magsalita muli ito.

"Ariel, wear your bra" seryoso ang boses nito.

Halos mamula ang kanyang buong mukha at leeg ng tuluyang nasara ang pinto. Nakakahiya!

She fucking forgot to wear her bra! Nasanay kasi sya na walang suot kapag nasa kwarto!

...

Pagkatapos ng nakakahiyang insidente na iyon ay lagi na tuloy syang nagsusuot ng bathrobe kapag may kakatok.

"Floresca!" Rinig nyang tawag ng manok sa baba.

Puputak na naman ata ito!

"Jusko! Ano na naman, Valentina?!" Hiyaw nya pabalik dito bago bumaba.

Aalis kasi sila mamaya maya upang mamili ng gagamitin sa School Fest. Natapos na rin ang madugong exams nila kaya nagawa nya ng magkaroon ng kumpletong tulog. Thank goodness she's now cleared to go to her shrink. Ilang beses itong naresched dahil ang daming gawaing kailangan matapos.

Ang dami kaya nilang pinagawa!

"Ano ulit booth nyo?"

"Lu-booth" biro nya.

Restraining DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon