Chapter 6-Impromptu Getaway-
Napaligon sa kanya ang lalaki, tila nanunuri ang mga mata nito. May pagkalito at kuryoso ito kung tumingin.
May iba pa itong tattoo ngunit doon sya nagpokus. Nakaitim na shirt ito kaya kita ang half sleeve tattoo nito at iilan pa sa may pulsuhan.
"It's cool" manghang boses na sabi ng batang kanyang kasama.
Kapwa sila napatingin dito dahil sa sinabi. Nakatingin ito sa tattoo ng lalaki.
"Can I have those too, Kuya?" Magiliw na tanong nito sa lalaki sa unahan.
Dumilim saglit ang ekspreyon nito bago bumaba upang maging magkapantay sila ni Quenzo. He still looks huge beside the kid.
"When you grow up, kiddo. Pero di pa pwede ngayon" natulala sya sa ngiti na binigay nito sa bata.
Pagkatapos noon ay lumapit na ito sa kahero at lumabas bitbit ang paperbag ng mga pinamili.
Sila na ang susunod kaya lumapit na din sya, nasa labas na sila ng mapatingin sya sa kalangitan.
May kadiliman ito at mukhang uulan muli mamaya, at kailangan na nilang magmadali.
"JUSKO! BA'T DI MO SINABING MAY SUPER CUTE KANG KAPATID?! Ha, yelo?!" Malakas ang boses ni Reese.
Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa sa sala. Nakahain na din ang dala nito at ang hinanda nila sa center table.
Pumalibot ang tugtog ng kanta ng isang sikat na banda. Ito ang isa sa mga bagay na nagkakasundo sila, they like bands.
"Wow! Lower your voice, Valentina. Malapit lang kami sayo" natatawa na sabi ni Frost.
"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko!" Sigaw pa din nito.
Hinayaan na lang niya ang mga itong magtalo, kung mag-away akala mo mag-asawa eh.
"Ate beautiful, ba't sila nag-aaway?" Inosenteng tanong nito.
"Ganyan talaga sila eh. Tara sa kusina, may coffee jelly kaming ginawa" aya nya sa bata na agad namang sumama.
Basta pagkain, mabilis itong sumama. Nahalata na nya ang ugali nito. Medyo magkaugali sila ni Frost pero hindi masyado. Basta.
Mabilis silang umalis at walang ingay na nagtungo sa kusina, ni hindi sila napansin ng dalawang kasalukuyang nagtatalo.
Kumuha sya ng dalawang mangkok at nilabas ang container kung nasaan ang panghimagas.
"Ate, sino po gumawa nito? It's so yummy po" masigla nitong kumento.
"Ako, syempre. Ang cute cute mo talaga!" Natutuwa nyang pinisil ng mahina ang pisngi nito.
Napalabi naman ito at nagpatuloy sa pagkain.
Mahihina lamang ang patak ng ulan, kita nya mula sa bintana ngunit malakas naman ang hangin. Nagsasayawan ang iilang mga halaman sa may labas at malamig ang klima buong maghapon.
Makalipas ang ilang oras ay nagpasya na sila Frost na umuwi na, kumagat na ang dilim at huminto na ang ulan.
"Hey, thank you sa pabaon" nakangiti nitong pasasalamat.
"Sus! Si Reese kaya ang nakaisip nyan!" Pang-aasar nya dito.
Umikot ang mata nito at nagpaalam na sa kanilang dalawa. At dahil nakasanyan na, sya na ang naghatid sa mga ito hanggang sa gate.
Nakasuot na ang bata ng itim na ball cap, na pinahiram nya dahil mahamog na.
Agad nagpaalam ang mga ito at humalik pa ang makulit na bata sa pisngi nya na syang ikinatawa nya.

BINABASA MO ANG
Restraining Dawn
Rastgele(Beginning Series#1) "You can't even distinguish the lies they told you, Ariel. You've been fooled." Date Started: 08/10/2021 Date Finished: 08/09/2022