V

32 3 0
                                    


Chapter 5

-White Amongst Reds -


"Ano ba! Ano bang meron at kanina pa kayo hila ng hila sakin ha?!" Inis na nyang tanong sa lalaki.

"Wag mo na ulit gagawin 'yon" wirdong sagot nito sa kanya.

"May balak ka bang manood ng ganoon? Dapat kanina ka pa nagpakita para tumigil sila, hindi yung binabato mo. Alam ng madilim, mamaya iba matamaan mo" mahabang lintanya nito sa kanya.

Ah talaga?!

Tinulak nya ito sa dibdib at sinamaan ng tingin, ni hindi ito natinag. Parang nagalaw lamang ng kaunti ang binata sa ginawa nyang tulak.

"Valderrama! Pinapatawag ka na" biglang may sumulpot na namang estranghero.

Saglit nagkatinginan sila ng lalaki, ngunit tanging mga mata lamang at labi ang nakikita nya. Isa ito doon sa waiter, ngunit mukhang hindi lahat ng waiter dito ay tunay.

Anong kinalaman ni Valderrama dito? O baka si Reese?

Napakadaming outsider na nakapasok, na nakakapagtakang hindi man lang naghinala ang ibang estudyante maging ang mga head ng school.

Para saan pa talaga ang kasiyahang ito?

"Pumasok kana sa loob" bilin ni Valderrama at sumama na sa pag-alis kasama ang lalaki.

Naiwan syang nakakunot ang noo at nag-iisip.

...

Pumasok na sya dahil magpeperform na muli ang banda dahil huling bahagi na ng sayawan. Inalis nya muna sa sistema nya ang inis.

Pababa pa lamang sya ay nakita na nya si Frost, nakalahad ang kamay at nakangising sumalubbong sa kanya.

"Your majesty, wanna dance with me?" Arte pa nito.

Napatawa naman sya dito at tinanggap ang kamay nito.

Dahan dahan syang bumaba dahil medyo tumataas ang slit ng damit nya.

Nang makarating sa dancefloor ay agad syang sinayaw nito.

"Hintayin nyo ko ni Reese ha, may kakausapin lang ako. Kahit sa kotse na kayo maghintay, bubuksan ko na lang ang bintana" paliwanag nito.

"Oo na, nililigawan mo?" Usyoso nya dito.

Baka may pinopormahan na 'to.

"Lalaki kakausapin ko" natatawa na ring sabi nito.

"Oh my god! You're..." Hindi nya tinuloy ang biro dahil mahina sya nitong pinitik sa noo.

"Stupid" pagkasabi nito ay inikot sya.

"Nasa sasakyan roses nyo ni Reese" nakangisi na nitong sabi sa kanya.

Inasar asar nya pa ito at kapwa sila nagtatawanan. If ever he'll be gay, she's sure as hell that they will support him no matter what. Amor es amor. Nadie puede detener el amor.

Kapagkuwan ay nakita nya si Reese sa tabi nila na kapwa may kasayaw. Nag-usap ang kapareho nila, sinabihan silang magpapalit sila ng pwesto.

Sabay silang inikot ng lalaki at sinalo ng papalit.

Hindi sya pamilyar dito, ngunit nang magsimula itong magtanong at magkwento ay nakipag-usap na sya.

Ito pala yung sikat na swimmer ng University nila.

Naging ganoon ang nangyari ng ilang minuto, kada may kakilala ay iikot siya ng kasayaw upang makipagpalit.

Sinabihan nya ang huli sana nyang kasayaw na magpapahinga sya dahil nananakit na ang paa nya. Ngunit pagkatapos lamang ng ilang minuto ay may naglahad sa kanya ng kamay at isang puting rosas.

Restraining DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon