Chapter 15
- Sun and Moon -
"Ba't ka nambibigla?!" Paimpit na bulyaw nya sa lalaki.
Bwisit na mga lalaki 'to! Trip na trip sya ngayong araw! Ano?!
Nakangisi itong nakatingin sa kanya, na syang ikinairap nya. Prente pa itong nakasandal sa ding ding na hindi kalayuan.
Nakasuot ng simpleng kamisetang may mahabang manggas ito na itim na pinaresan ng itim ring pambaba. Nakayapak ang lalaki at magulo ang buhok.
"Sige, sisihin mo ako sa pagiging magugulatin mo" sarkastikong sagot ng lalaki.
"Epal Dio-dorant" pang-aasar nya at tinalikuran ito.
Kapagkuwan ay bumalik siya.
"Pasama sa kusina"
Pagkasabi noon ay tinalikuran nya ulit ito bago nagsimula sa paglalakad. Medyo nahiya pa sya dahil inasar nya pa at winalk out-an tapos hindi nya pala alam kung nasaan ang kusina.
Humalakhak ito kapagkuwan ay narinig niya ring lumakad.
She can hear every footstep in the hallways. It's giving her an unsettling kind of vibes. Almost like a scene straight from horror movies. Where the character will be kidnapped and tortured.
"So..." Tumikhim pa ito.
"Hmm?" Ni hindi na niya ito nilingon.
Takot na baka mapatid o madapa kahit wala namang nakaharang. May kadiliman na kasi sa parteng iyon.
"What's with your dream?" Napahinto sya sa tanong nito.
"Ha? What do you mean?" Napakagat sya ng labi.
What the heck? How did he...? A lot of questions popped in her head.
Ngumisi muli ito bago siya sinagot.
"Well... Let's just say nasilip ko?" Tumawa pa ang lalaki.
Nauna na itong maglakad habang nakapamulsa. Mahinang sumipol din ito habang dire diretso ang lakad.
Napatitig na lang sya sa malapad na likod nitong unti unting lumalayo.
"Chismoso!" She scoffed.
She started walking faster so that she could be near him.
"I didn't know you had such detailed dreams. It almost felt like a memory" he suddenly moved his eyebrows.
Crossing her arms, she immediately went in front of him. She immediately straightens her arms because she's holding plates. He stopped and looked at her with confusion etched on his face.
"You know something noh?" Pang-aakusa nya pa dito.
"Anong pinagsasabi mo?"
Ngumiwi na ito.
"Nothing"
"Ano nga?"
Hay, ang kulit!
"Wala, tulungan mo na lang akong makabalik sa mundo ko"
His face grew serious.
"I will, or I might. But not now" misteryosong sabi nito.
Kinuha nito sa kamay nya ang mga plato at hinawakan ang kaliwang kamay gamit ang kanan nito.
"Hoy ba't ka nanghahawak?!" Impit na sigaw niya dito.
Nakakahiya kasi kung sumigaw sya ng nakaka-eskandalo.

BINABASA MO ANG
Restraining Dawn
Random(Beginning Series#1) "You can't even distinguish the lies they told you, Ariel. You've been fooled." Date Started: 08/10/2021 Date Finished: 08/09/2022