Chapter 1 - Smile

1.1K 39 4
                                    

Haven Alviar



ISANG malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng ex-boyfriend kong si JC ng makita kong may ibang babae siyang kasama ngayon sa mall.

"Break na tayo at magsama kayo ng babae mo!" singhal ko sa kanya at tumakbong palayo sa manloloko kong ex.

Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo palabas ng mall.

Gusto ko lang naman bumili ng bagong earphone dahil nasira yung akin tapos ngayon, hindi na nga ako nakabili, nawalan pa ng boyfriend.

Ang walang-hiyang JC na iyon, sinabi ko sa kanya na una palang kung ayaw na niya ay sabihin niya agad sa akin. Pakakawalan ko naman siya agad dahil ang ayoko sa lahat ay yung niloloko ako.

Hindi ko na nga pinansin yung mga taong napapatingin sa akin makapunta lang ako ng mabilis sa parking lot.

Umiiyak parin ako habang palapit sa nakaparada kong motor.

Nakakainis! Naisahan ako ng JC na iyon, hinding-hindi ko siya mapapatawad ang ani ko sa aking sarili.

Nang makalapit ako sa motor ay kinuha ko ang helmet at sinuot ito.

Nagpunas muna ako ng luha para maging malinaw ang nakikita ko, baka tuluyan na akong walang makita dahil sa mga luha kong nagkalat sa aking mata.

"May araw ka rin." bulong-bulong ko at nang-gigil na sinusian ang motor.

Tinanggal ko na ang stand at nang i-start ko na sana ang motor ay bigla na lang akong nakarinig nang impit na iyak.

Napatingin tuloy ako sa likoran ko at sa paligid pero wala naman akong nakikita ng ibang tao.

Ang aga namang mag multo nun?

Hindi ko na lang pinansin pero biglang lumakas ang iyak nito.

Napakunot noo ako at hindi na nakatiis kaya hinanap ko kung saan nanggagaling ang pagtangis na iyon.

Sinilip ko kung may tao sa gilid ng kotse na katabi ng motor ko at hindi nga ako nagkamali dahil may babaeng nakaupo sa sahig nakadukdok ang ulo at yakap ang dalawang binti malapit sa likod ng sasakyan.

"Manloloko! Pare-pareho lang kayong mga lalaki." galit na turan ng babae.

Nagulat ako sa sinabi ng babae, maaring tulad ko ay niloko din siya ng kanyang kasintahan.

Nakaramdam tuloy ako ng awa para sa aming dalawa.

"Miss." tawag ko sa kanya.

Tila nagulat yata siya sa akin at nanlaki pa ang mga mata ng bigla siyang napatingin sa akin.

Pero hindi nagtagal ay bigla na lang kaming tumawa sa isa't-isa.

As in sobrang tawang-tawa sa isa't-isa.

"B-bakit ganyan ang itsura mo? Ang dungis mo para kang sinuntok dahil sa itim na nagkalat sa gilid ng mata mo." sabay tawa ulit ng babae.

Eh?

"T-eka nga, ikaw kaya itong parang panda ang itsura. Wag mo nga akong pinag-titripan." sabi ko pa at tumawang muli.

Napansin kong napakunot noo siya sa aking sinabi kaya mabilis niyang kinuha ang kanyang salamin sa bag.

"Damn, nagkalat ang eye liner ko. Kasalanan 'to ng Gio na yun!" naiinis niyang sabi.

"K-kung hindi niya ako niloko eh di sana hindi ko siya iniiyakan ngayon." sabay iyak niyang muli.

Parang gusto ko naring umiyak tuloy.

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang suot kong helmet at umupo sa tabi niya.

Smile, Kiss and TeardropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon