Chapter 5 - Our Deal

436 26 6
                                    

Heidi



"Ang epic ng itsura ni Gio at JC kahapon sa parking lot" hagalpak parin na tawa ni Deyn.

Kahit ako ay hindi mapigilan na hindi mapatawa ng maalala ang mukha ni Gio.

Sa isip-isip ko kahit papaano ay nakaganti ako sa kanyang ginawa sa akin. Kahit papaano ay nakalimutan kong nahulog ako sa loko-lokong yun ng makita kong halos umusok ang ilong nito ng makitang parehong flat ang kangyang gulong.

Mas lalo pa kaming nasiyahan ng sabay na nagtulak ng kanilang motor si Gio at JC pauwi.

"Ssssh guys tahimik." suway sa amin ni Haven.

Napatingin kami sa kanya agad at sumenyas na may tao.

Mabilis kaming tumahimik, samantalang ako ay napakagat ng labi para mapigilan ang tawa.

Bigla kasing dumaan sa harap namin si JC kasama ang tropa niya at nakita ko kung paano niya tingnan ng masama si Haven. Pero si Haven ay inirapan lang si JC kaya halos sobrang pigil ako ng ngiti.

Masaya akong malaman na hindi na siya naaapektuhan sa EX niya, sana ganun din ako.

Gusto ko rin tuloy malaman kung wala na ba talagang epekto sa akin si Gio pero hindi ko parin siya nakakaharap kaya hindi ko alam ang sagot.










































































"Pano ba yan Renz, talo ka na naman." sabay tawa ng malakas ni Deyn.

"Ang daya naman kasi, bakit lagi mo na lang pini-perfect ang quizzez natin?" sabi ni Renz kay Haven na ikinatawa muli ni Deyn at Sally.

Nagkibit balikat muna si Haven bago sinagot din ang tanong ni Renz.

"Hindi ka pa ba nasanay?" sabay smirk ni Haven.

Napailing-iling na lang si Renz habang nangingiti.

Actually akala ko nung una ay may gusto siya kay Haven lalo na at nakikita ko kung paano niya irespeto si Haven at pahalagahan.

Nasabi ko lang dahil one time nung naglaro kami sa classroom at tanging kami lang ang tao kasama yung dalawang friend ni Renz na sina Thio at Jet na classmates din namin. Napansin ko lang kapag babatukan niya si Haven ay marahan lang, samantalang kapag ako, si Deyn at Sally napakalakas. Ang sakit kaya, yung mga kaibigan tuloy niya ay tawa ng tawa sa amin.

Ang walang hiya di man lang kami ginalang, babae din kaya kami at hindi lang si Haven. Pero kung hampasin kami akala ko mo yung tropang lalaki niya lang.

Ito naman kasing si Sally, naisip pang maglaro ng truth or dare at kapag truth ang napili mo ay may kasamang batok. Malay ko bang mag truth lang ng mag truth ang sagot nila kaya nagbatukan na lang tuloy kami.

Jusko ang lakas ng trip ng mga kaibigan ko that time. Since then hindi na ako sumali kapag maglalaro ulit sila, ang sakit kaya sa ulo.

"Renz, Thio tara na." sigaw ni Jet na nasa may pinto na.

"Sige guys mauna na kami." paalam ni Renz at tinapik ang kaibigan niyang si Thio.

Wait ako lang ba? Para kasing nakita kong nakatingin si Thio kay Haven.

Tumango lang si Haven bilang sagot kay Renz.

"Bye Renz, better luck next time." At muling bungisngis ni Deyn.

Smile, Kiss and TeardropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon