Heidi
"Oh ayan ah, hinatid ka namin ng buo sa bahay nila Haven. Siguro mas okay kung samahan din kita sa loob." napaisip pa si Ara na ikinangiti ko.
"Hindi na Ara, salamat nga pala ulit and pakisabi kay Renz, wag siyang mag-alala at hindi ako uurong." sabay ngiti ko sa kanya.
"Copy!" masigla niyang sagot sabay ngumiti.
"Oh sige na, mauna na kami. Bye Heidi, goodluck." at kumindat pa siya na ikinailing-iling ko habang nangingiti.
"Bye." paalam ko at kumaway pa sa kanila at ganun din sila sa akin.
Nang makalayo na sila ay nag inhale, exhale ako habang nakatingin sa gate ng bahay nila Heidi.
Sakto naman ng magdo-doorbell ako ay bigla na lang huminto yung sasakyan nila Haven sa tapat ng malaking gate nila.
Si Tito.
Bumaba nga si Tito at magiliw na ngumiti sa akin.
"Hija, ngayon ka na lang yata ulit nagawi sa aming bahay. Pauwi ka na ba? Gusto mo ihatid na kita?" alok ni Tito at ng makalapit na siya sa akin ay nagmano ako.
"Ah Tito ang totoo po niyan kakarating ko lang din po, may kailangan lang po ako kay Haven." Ngiting alanganin ang aking naibigay kay Tito.
"Ay ganun ba, oh sige mauna ka na sa loob. Baka nasa kwarto na niya yun." sabi ni Tito.
"Salamat po Tito." sabay ngiti ko sa kanya at ganun din siya sa akin.
Sobrang bait talaga ng parents ni Haven.
Pumasok na ako sa loob ng buksan ni Tito yung gate.
Nagtingin-tingin pa ako sa paligid at baka sakaling makita si Tita pero wala ito, nagbaka-sakali ako sa kusina at tama nga ako at nandito si Tita nagluluto.
"Tita." tawag ko dito na ikinaharap niya agad at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Hija!" masaya nitong bati at nagbeso sa akin.
"Mano po Tita." sabi ko at ngumiti muli sa kanya.
"Aba'y namiss kitang bata ka, para kasing ang tagal nating di nagkita at tsaka hindi karin pumunta sa hospital nung Sabado." sabi ni Tita.
"Ah eh, yun na nga po eh hindi po pinaalam sa akin ni Haven, kaya nga po nandito ako ngayon." sumbong ko sa kanya.
"Naku, yung bata talagang yun. Siguro ayaw ka lang niya mag-alala. O siya sige na umakyat ka na sa kwarto ni Haven nang mapagalitan mo." sabi ni Tita na ikinatawa ko.
Si tita talaga kung ano-anong naiisip.
Mapapagalitan ko ba si Haven? Baka nga matameme lang ako pag nakaharap ko na siya.
Ilang beses ko ba siya pinagtabuyan?
Kung alam lang ni Tita kung anong ginawa ko sa anak niya, baka di na ako nakatungtong pa dito.
"Sige po Tita." paalam ko at nagmadali ng umakyat sa kwarto ni Haven.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto niya ay heto na naman ako at ang bilis ng tibok ng puso.
Bakit ba grabe na lang ako kabahan ngayon?
Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga.
Naisipan kong kumatok na dahil nandito narin naman ako, ngayon pa ba ako aatras?
Naitaas ko na ang aking kamay at kakatok na lang sana ng biglang bumukas ang pinto.
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Haven ng makita ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Smile, Kiss and Teardrop
Teen FictionStrangers to Friends to Lovers. Diyan mahahalintulad ang naging takbo ng buhay pag-ibig ng mga bida nating sina Haven Alviar at Heidi Cuevas. Sina Haven at Heidi ay parehong sawi sa pag-ibig ng pagtagpuin ng tadhana. Sa hindi inaasahang pagkakatao...