Haven
"Haven." tawag sa akin ni Maam Roque, pagpasok na pagpasok ko sa room.
"Yes po? Tawag niyo daw po ako?" magalang kong sagot.
"Nakausap ko kasi si Renz pumayag na siya, may event tayo next week and gusto ko sana kung okay lang sayo na mag perform kasama siya? Sabi kasi niya ay magaling kang kumanta."
Napangiwi agad ako.
Mahiyaan kasi ako at talagang pang sa pamilya ko at kaibigan ko lang ang talent ko.
"Ah Maam, sorry po pero hindi ko po kasi kayang mag perform sa harap ng maraming tao." nahihiya kong sagot.
"Ganun ba? Sayang naman." Malungkot na sabi ni Maam.
"Pero Ma'am kung gusto niyo po, pwede kong kausapin si Heidi. Magaling pong kumanta yun." sabay ngiti ko.
Napangiti agad si Ma'am.
"Problem solved! Salamat Haven ah." sabi pa ni Maam.
"Naku Maam, wala po yun. Sige po hahanapin ko na po si Heidi." sabi ko.
"Okay sige at balitaan mo agad ako." sabi niya.
"Yes, Ma'am." maligalig kong sagot.
I'm sure akong matutuwa si Heidi sa ibabalita ko.
Nagmadali akong pumunta sa canteen, tiyak kasing nandun yung tatlo. Doon naman ang punta namin talaga dapat.
Kanina kasi ay magkakasama kami pero nahiwalay ako ng ipatawag nga ako ni Ma'am Roque.
"Oh ayan na siya, kumain ka narin." rinig kong sabi ni Deyn kay Heidi.
"Bakit?" tanong ko agad at umupo sa tabi ni Heidi.
"Hinihintay kita." sabi ni Heidi.
"Sweet naman." pang-aasar ko pero umiwas din agad ng tingin.
Maganda ng nakakasigurado dahil baka matunaw na naman ako.
"Bakit ka pinatawag ni Maam?" tanong ni Sally habang sumusubo ng pagkain niya.
"Ah, gusto niyang kumanta ako para sa event ng school natin next week, kaso tumanggi ako." sagot ko.
"Huh? Bakit naman? Sayang!" panghihinayang ni Sally.
"Wait makakasama mo ba si Renz dapat? Ang alam ko magpeperform din siya eh." sabi ni Deyn.
"Yeah dalawa dapat kami." sagot ko.
"Ah Heidi ano kasi eh, pwedeng ikaw yung magperform kasama ni Renz? Pero kung ayaw mo okay lang." nakatingin na ako sa kanya ngayon.
Tumingin din siya sa akin at tila nag-iisip.
"Kapag pumayag ako, anong makukuha ko?" sabay pilya niyang ngiti.
"Eh?" ang nasabi ko na lang.
"Hilingin mo Heidi yung gagawin ni Haven ang lahat ng ipag-uutos mo." At binigyan ako ng nakakalokong ngiti ni Deyn.
Sinamaan ko nga ng tingin si Deyn pero mas lalo lang lumapad ang ngiti nito.
"Sooooo..." Si Heidi.
"O-okay? Sige ano bang gusto mong hilingin?" napangiwi kong tanong.
Bigla namang natawa si Sally at Deyn sa hindi ko malamang dahilan.
"May nakakatawa?" at pinaningkitan ko silang dalawa ng mata.
BINABASA MO ANG
Smile, Kiss and Teardrop
Novela JuvenilStrangers to Friends to Lovers. Diyan mahahalintulad ang naging takbo ng buhay pag-ibig ng mga bida nating sina Haven Alviar at Heidi Cuevas. Sina Haven at Heidi ay parehong sawi sa pag-ibig ng pagtagpuin ng tadhana. Sa hindi inaasahang pagkakatao...