Chapter 8 - Peace

464 24 47
                                    

Haven



NAUNA akong nagising kay Heidi kaya malaya akong napagmasdan ang kanyang mukha.

Napakaganda niya talaga kaya ang mga kalalakihan sa school ay laging nagpapapansin sa kanya. Ang tanga lang ng pinsan ko para lokohin siya.

Inayos ko ang pagkakahiga ko para mas matitigan ng maigi si Heidi.

Hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti.

Naalala ko tuloy bigla yung naging reaction niya nung nalaman niyang sasamahan ko siya buong gabi.

After naming mag movie marathon ay tinulungan ko siyang magligpit.

"Ako na Haven, mag-ayos ka na ng sarili para makauwi. Baka hinahanap ka na ni Tita." Inagaw niya yung hawak-hawak ko na mga baso.

Pero imbes na sundin yung sinabi niya ay prente lang akong naupo sa sofa nila at pinanood lang siyang nag ligpit.

Mabilis niyang naligpit yung kalat at ng makita ko siyang pabalik sa kinaroroonan ko ay tinaasan niya agad ako ng kilay.

"Bakit di ka pa nag-aayos?" sabay pamaywang niya sa harap ko.

"Bakit pa? Dito naman ako matutulog." sabay ngiti ko sa kanya.

Nanlaki agad ang kanyang mga mata.

"What did you say?" muling tanong niya.

"Dito ako matutulog." pag-uulit ko.

Nagliwanag bigla ang aura nito at napatili sabay takbo palapit sa akin at niyapos ako dahilan para mahiga ako sa sofa na ikinatawa namin ng sabay.

"Sorry." biglang sabi niya at umayos ng pagkakaupo sa tabi ko.

"Totoo?" excited niyang tanong.

"Yup, nagpaalam ako kanina kay Mama habang nasa kusina ka. Hindi ako makapapayag na wala kang makakasama ngayon." sabay ngiti ko sa kanya.

Muli ay napatili siya at niyakap ako ulit.

"Sayang-saya?" pang-aasar ko sa kanya.

"First time kasi na mangyari sa akin yung ganito, yung may friend na mag-aalala dahil wala akong kasama sa bahay."

"Why?" curious na tanong ko.

"I don't know, may mga kaibigan naman ako pero ibang-iba ka sa kanila." sabay ngiti niya.

"Awe, touch naman ako." Sabay pinch ko sa ilong niya.

"Ugghh Haven!" at hinuli ang kamay ko na kumurot sa ilong niya pero tinawanan ko lang siya.

So cute Heidi.

"May maganda rin palang naidulot yung pangloloko ni Gio sa akin." sabay ngiti niya na ikinangiti ko rin.

"Same, Heidi. Mabuti na lang at niloko ako ni JC kasi nakilala kita." sabay ngiti ko ulit sa kanya at ganun din siya sa akin.

Nasaktan man kaming pareho noon pero ngayon masasabi kong sobrang saya ko.
































































































"Good morning." Bati ko ng magising si Heidi. Agad naman siyang napangiti ng makita ako.

"Good morning din." sagot niya at mas lumapit sa akin at ngayon ay nakasiksik na naman sa akin na ikinahagikgik ko.

Smile, Kiss and TeardropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon