Chapter 16 - Why not?

356 15 35
                                    

Haven



NANDITO kami ngayon sa canteen at pinapanood makipag-tawanan si Heidi kasama sina Renz.

"Oh bakit ganyan itsura mo?" tanong sa akin ni Deyn.

"Eh paano hindi pa bumabalik si Heidi, miss na agad?" sagot naman ni Sally.

"Kasi naman pagpasok na pagpasok natin dito, pumunta agad siya kina Renz." Asar na sagot ko.

Kumaway lang sa kanya sina Renz tapos nagpaalam agad siya na saglit lang at mangangamusta lang sa mga ito pero hanggang ngayon nandun parin at nakikipagtawanan na.

"Alam mo Haven, iba na yan." seryosong sabi ni Sally.

Nagkatinginan kami ni Deyn, hindi ko pa kasi nasasabi kay Sally.

"Okay, mukhang ako na lang ang walang alam. Alam ko yang mga tinginang mga ganyan eh. Magtatampo na ba ako?" Lungkot-lungkutan ni Sally.

Napabuntong hininga na naman ako.

"Fine, actually nung saturday ko lang talaga inamin and si Deyn ang pinuntahan ko kasi alam kong siya ang makaka-relate sa problema ko." Binaling ko saglit yung tingin kay Heidi at ng makita ko na naman ang pagtawa nito ay muli akong napangiti.

"Tsk, nabaliko ka na ni Heidi noh?" sabay ngisi ni Sally.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tinuran ni Sally.

"Wait! Bakit parang alam niyong dalawa yung nararamdaman ko? Kahit itong si Deyn wala pa akong sinasabi pero alam na agad ang problema ko."

Pinaikutan lang ako ng mata ni Sally.

"Hello? Ang tagal na nating magkakaibigan noh. Halatang-halata ka kaya." sagot ni Sally.

"Tingin mo mahahalata ni Heidi yung nararamdaman ko?"

"Syempre hindi." mabilis na sagot ni Deyn at tumawa ng malakas.

"Uhm parang ikaw." bulong ni Sally patama kay Deyn.

"Leche ka talaga Deyn!" ang nasabi ko na lang sabay tawa nilang dalawa.

Habang tumatawa sila ay napatingin ako kay Sally, para kasing bumulong siya. Hindi ko nga lang narinig. Bulong nga eh jusko.

"Oh mukhang nagkakasiyahan kayo ah." biglang sulpot ni Hiedi at umupo sa tabi ko.

"Ah si Haven kasi nakakatawa." sagot ni Deyn.

Sinamaan ko nga siya ng tingin, samantalang si Sally ay napabungisngis ng mahina.

"Mukhang nagiging sobrang close kayo ni Renz ah?" pag-iiba ko ng usapan.

Ngumiti naman siya bigla bago magsalita.

"Ang bait din kasi niya and funny, sweet pa kaya hindi siya mahirap pakisamahan. Kanina nga tawang-tawa kami dahil na-kwento ni Ara nung nadulas si Renz sa hagdan pero tumayo lang ito na parang walang nangyari kahit kitang-kita ng mga kaibigan nila." sabay tawa na naman ni Heidi.

"Pag-iniisip ko yung itsura ni Renz ay natatawa ako." dagdag pa ni Heidi.

Natahimik na lang ako. Nakita ko naman ang mga ngiting nakakaloko ng mga kaibigan ko.

"Nga pala inaya niya akong sumama sa gig nila, kumakanta kasi siya sa bar ng Tita niya, sabi ko pag-iisipan ko."

"Kung pumayag ka? Kailan lagi ang gig niyo?" walang gana kong tanong.

"Uhm sabi niya every friday and saturday nights. Sunday kasi pahinga niya yun. Tapos kapag sa hapon baka mag practice kami lagi ng mga kakantahin."

Smile, Kiss and TeardropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon