Chapter 19 - Totoo.

367 21 11
                                    

Heidi




TULAD nang mga nakaraang araw ay hindi parin kami nag-uusap ni Haven.

Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon, basta after niyang umamin, kinabukasan ay tila naging ilag kami sa isa't-isa.

Gusto ko siya kausapin pero ano namang sasabibin ko?

Sa mga inamin niya sa akin, malinaw na nasasaktan ko siya, I want to say sorry pero after that anong mangyayari? Babalik parin ba kami sa dati?

Knowing may gusto siya sa akin, magagawa ko parin ba yung mga bagay na ginagawa ko sa kanya noon nang hindi ko siya nasasaktan?

Nakadagdag pa sa aking iniisip yung sinabi sa akin ni Renz nung linggo.

Nakita niya daw kasi Haven at JC sa park na nag-uusap. Naabutan niya pa na niyakap ni Haven si JC na talaga namang nagpainit ng aking ulo.

Ang sabi pa sa akin ni Renz ay baka nagkabalikan yung dalawa.

AFTER NIYA UMAMING MAHAL NIYA AKO, MAKIKIPAGBALIKAN SIYA KAY JC?

AT PAANO YUNG DEAL NAMIN? Hindi ba't naka-move on na'ko kay Gio? SO DAPAT GANUN DIN SIYA KAY JC!

"Matunaw naman si Haven, at kung nakamamatay lang yung titig? Malamang humandusay na si Haven." Bulong niya sa akin sabay biglang hagikgik niya pa.

Sa kanya tuloy napunta yung nanlilisik kong mga tingin.

"Oh, chill. Kausapin mo na kasi, para malaman mo kung nagkabalikan na talaga sila. Ikaw din." sabay kindat niya.

Inirapan ko nga, since nalaman niyang gusto kong i-date si Haven ay hindi niya na ako tinigilan sa pang-aasar.

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school kaya naman hindi ko ito masapok dahil baka pagtulungan pa ako ng mga fangirls niya, tsk.

"Oh! Nagkabalikan na si Haven at JC?" Kararating lang ni Ara at hindi pa siya nakakaupo sa tabi namin ng madako ang tingin niya sa kinaroroonan kanina ni Haven.

Napakunot noo agad ako ng makitang nandun na nga si JC at sa tabi pa ni Haven umupo.

PWESTO KO DAPAT YUN EH!

Hindi ko mapigilang magngitngit ng makitang bumulong si JC kay Haven.

Nagtataka siyang tumingin kay JC pero ngumiti lang ito at sina Sally at Deyn naman ay hinahayaan lang yung dalawang maglandian sa harap nila!

AKALA KO BA GALIT SILA SA MOKONG NA YUN DAHIL NILOKO NIYA SI HAVEN?

Hindi ko na makayanan ang mga nakikita ko dahil nakita ko lang naman na biglang ngumiti si Haven ng may ipakita si JC sa kanyang phone.

Ngayon ko na lang ulit siyang nakitang ngumiti after ng hapong umamin siya sa akin

So napapangiti na siya ni JC ngayon?

Ang bilis naman magbago ng nararamdaman niya para sa akin?

Ganun ko ba siya nasaktan kaya madali na lang sa kanya na kalimutan ako?

Kaya ba hindi na niya ako sinusuyo?

"Heidi? Lagi na lang bang si Haven ang manunuyo?" disappointed na sabi ni Renz.

Eh? Nasabi ko ba ng malakas yung nasa utak ko kanina?

"Oo, narinig ko." sabi pa niya.

"Wait ano bang nangyayari na naman?" Naguguluhang tanong ni Ara.

"Ano pa nga ba eh di nagkatampuhan na naman yung dalawa." sabi ni Renz.

Hindi alam ni Renz ang tunay na dahilan, sinabi ko lang sa kanya na pinilit ko si Haven sa gusto ko at hindi niya iyon nagustuhan kaya nauwi sa tampuhan.

Smile, Kiss and TeardropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon