Haven
"Oh Haven." Hindi makapaniwalang salubong sa akin ni Deyn ng makita niya akong paupo na sana sa sofa nila.
"Gulat na gulat lang?" untag ko at naupo na.
"Himala hindi mo kasama si Heidi." sabay upo niya sa harapang sofa.
"Well, may pinuntahan sila ni Tita ngayon kaya wala muna akong bantay." Natawa naman ng mahina si Deyn sa aking sinabi.
"Kayo, wala ba kayong practice ni Sally ngayon?" Baka kasi may practice sila ng volleyball ngayon kahit sabado.
"Wala naman, malayo pa naman ang laban kaya okay pa yung sa hapon lang ang practice namin." sagot niya.
"Okay pala ng makapag-usap tayo." seryoso kong saad.
"Ooohh, i like that. Mukhang seryosohan 'to." Sabay taas-baba niya ng kilay.
"Pwedeng doon tayo sa room mo?" Binigyan ako ng mapanuring tingin ni Deyn bago siya tumango.
Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot.
I know marami nang tanong sa isipan niya ngayon si Deyn, alam niya kasing hindi ako basta-basta nag-aaya ng usapan.
Pagdating sa room niya ay naupo agad ako sa kama niya.
"Sooooo" Panimula niya at nag crossarms sa aking harapan.
"What's wrong Haven?" tanong agad niya.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, it's now or never.
Kailangan ko ng help niya para malaman kung ano 'tong bumabagabag sa akin.
"It's about Heidi." Mabilis kong bitaw ng salita at nakipagtitigan sa kanya.
Bigla siyang napa-smirk at maligalig na sumampa sa kama.
"Okay I think I know na kung ano ang pag-uusapan natin." At muling tinaas-taas niya ang kanyang kilay.
"Ganun ba ako kahalata?" curious kong tanong.
"Actually, No. Kaibigan lang talaga kita kaya nahahalata ko. Kung tutuusin parang normal lang sayo na ganun ka kay Heidi. Si Heidi nga itong pala-isipan sa akin. Minsan gusto kong isipin na may gusto sayo si Heidi."
Napaisip ako sa kanyang sinabi, hindi kaya?
Lalo na sa mga kilos niya kapag kasama ako.She's so sweet, clingy and caring.
"But what if ganun lang talaga siya?" Nakatanggap agad ako ng kunot noo kay Deyn pagkasabi ko nun.
"Ano sayo lang? Hello! Kaibigan din niya kami pero ni-minsan hindi nagpaka-clingy ng ganun sa amin si Heidi."
May point siya dun.
Sabihin ko kaya yung mga pinag-gagagawa ni Heidi sa akin lalo na yung nag sleepover kami?
"Ah Deyn, may aaminin ako." Biglang nanlaki ang mga mata niya sa aking sinabi.
"Oh my god! May gusto ka sa akin?" Binatukan ko nga ng pakalakas, yung Sally level na batok.
"Awww! Grabe masakit yun ah." sabay himas niya sa ulo niya.
"Leche ka Deyn, umayos ka nga!" Gigil na sabi ko, sabay peace sign niya.
"Sabi ko nga eh, kasi naman masyado ka ng nagseseryoso. Chill lang tayo okay?" sabi pa niya.
Muling napabuntong hininga ako.
"Okay sige, ano ba yung aaminin mo dapat?" seryoso niya ng tanong.
"Kagabi kasi nag sleepover si Heidi sa bahay and-"
BINABASA MO ANG
Smile, Kiss and Teardrop
Teen FictionStrangers to Friends to Lovers. Diyan mahahalintulad ang naging takbo ng buhay pag-ibig ng mga bida nating sina Haven Alviar at Heidi Cuevas. Sina Haven at Heidi ay parehong sawi sa pag-ibig ng pagtagpuin ng tadhana. Sa hindi inaasahang pagkakatao...