Haven
HINDI ko maiwasan na mapangiti na lang basta sa tuwing madadako ang aking paningin kay Heidi.
Well, sa kanya lang naman ako may pagtingin kaya sino pa ba ang dahilan ng mga ngiting tagumpay ko?
Tsk, totoo nga ang mga sabi-sabi. Nakakabaliw ang pag-ibig pero sa mabuting kabaliwan naman.
Kabaliwan na nakakapagpaligaya sa isang tao, yung tipong nakapagbibigay sa'yo ng pakiramdam na ngayon mo lang nararamdaman kapag ika'y in-love.
Naks! In-love na nga talaga ako at kung ano-ano itong pumapasok sa aking isipan.
Muli ay napangiti ako.
"Wala 'tong tropa natin, ngumingiti na namang mag-isa." saad ni Deyn at inakbayan ako.
"Nabaliw dahil sa pag-ibig." sabay hagikgik ni Sally at Deyn.
"Nagsama na naman kayong dalawa." saad ko at muling tinuon ang aking pansin kay Heidi na busy sa tinatanim niyang halaman.
Gusto ko na nga siyang tulungan kanina kaso pinigilan niya ako at maupo na lang daw muna.
Napagpasyahan kasi namin na tumambay sa bahay nila Heidi ngayong araw kaya lang nakapangako pala siya kay Tita na dadagdagan niya yung mga alagang halaman nito.
Kaya heto at hinihintay namin siya matapos.
"Nagugutom na ako guys, di pa ba natin kakainin yung dala nating foods?" Ani ni Sally sabay himas sa kanyang tiyan.
"Napakatakaw mo talaga." sabi naman ni Deyn dahilan upang makatanggap siya ng masamang tingin mula kay Sally.
Napailing-iling na lang ako habang nangingiti dahil heto na naman silang dalawa.
"Sige na Sally, pwede mo ng bawasan yung dala kong pizza." pagpayag ko na mabilis niyang ikinangiti.
"Narinig mo?" pang-aasar pa ni Sally at nag-belat pa talaga kay Deyn.
Nag-make a face naman si Deyn para asarin si Sally pero hindi na siya nito pinansin dahil nilantakan na nito ang pizza na dala ko.
"Tsk, kakain din pala." biglang sabi ni Sally ng makitang kumuha si Deyn.
"Eh kawawa ka naman, kasi walang gustong sumalo sayo." sabay subo ni Deyn.
"Wow ah, kunwari ka pa tsk." sagot naman ni Sally.
Pinagmasdan ko ang dalawa, para kasing ang hinahon ng pag-aaway nila ngayon.
Noon kasi ay para bang magpapatayan na sila. Baka nga naghahabulan na sila ngayon.
Pero ngayon parang nag-uusap lang sila.
Baka napagod na sila sa pagiging aso't - pusa nila.
"Puntahan ko lang si Heidi." paalam ko sa kanila, at dahil busy na sila sa pagkain nila ay tumango lang yung dalawa.
Magkasundong-magkasundo talaga pagdating sa pagkain.
Naghuhugas na ng kanyang kamay si Heidi ng ako'y makalapit.
Marahan kong pinaikot sa kanyang bewang ang aking kanang braso at ng humarap siya sa akin ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi na ikinagulat niya pero napangiti din kalaunan.
Pinaikot niya ang dalawang braso niya sa aking batok habang ang dalawang kamay ko naman ay nasa kanyang bewang.
Todo ngiti kaming dalawa sa isa't-isa.
"Hi." Bati ko sa kanya na lalong ikinangiti niya at napapailing pa.
"Hi? So kiss muna bago Hi?" sabay nakakaloko niyang ngiti.
BINABASA MO ANG
Smile, Kiss and Teardrop
Novela JuvenilStrangers to Friends to Lovers. Diyan mahahalintulad ang naging takbo ng buhay pag-ibig ng mga bida nating sina Haven Alviar at Heidi Cuevas. Sina Haven at Heidi ay parehong sawi sa pag-ibig ng pagtagpuin ng tadhana. Sa hindi inaasahang pagkakatao...