Chapter 27 - Something is wrong

45 1 0
                                    

Heidi




"Hola lovebirds!" sigaw ni Deyn habang papalapit sa amin ni Haven kasama si Sally.

"Hola~" may pagka-sweet na wika naman ni Sally.

Isang mahinang hagikgik naman ang kumawala kay Haven ng makita ang kaibigang si Deyn habang nakayakap siya sa likod ko.

"Bakit ka natatawa?" takang tanong ko dito.

"Masaya lang ako babe." sagot nito at binigyan ako ng mumunting halik sa balikat ko.

Lumingon ako sa kanya at hinuli ang kanyang mukha upang sa labi ko tumama ang kanyang labi.

Hays, hindi talaga ako mag-sasawa na angkinin ang kanyang labi.

"Aba tama na nga yan at may bukas pa." Awat sa amin ni Sally. "Respeto naman sa amin noh" dagdag pa nito.

"Sally nandiyan naman si Deyn kun---" Hindin na naituloy pa ang sasabihin ni Haven ng harangan ng isang daliri ni Sally yung nguso nito.

"Ipinagbabawal na salita yan. Kaya hindi mo maaaring bigkasin." Ani pa ni Sally.

Napataas naman ng kilay si Deyn dahil doon.

"Wow parang napakaganda mo. At sa tingin mo papatulan kita?" Sabi naman ni Deyn kay Sally.

Napailing-iling na lang ako dahil nagsimula na naman ang aso't pusa namin. Samantalang si Haven naman ay parang kanina pa malalim ang iniisip.

Kanina pa siya sweet sa akin pero kung pagmamasdan siya ngayon parang may iba sa kanya. Hindi ko nga lang mawari kung ano iyon.

At kahit pa na inaasar niya si Sally at Deyn ngayon ay tila may iba parin sa kanyang kinikilos.

Yung mga ngiti na pinapakita niya ay parang may halong pangungulila. Pero bakit? Lagi-lagi naman kaming magkakasama na magkakaibigan.

Pansin ko rin na kapag titingin ako sa kanya ay para bang nahuli ko siya sa akto na hindi naman dapat. O sadyang malalim lang ang kanya iniisip kaya tila siya ay nagugulat kapag nagtama ang aming mga mata.























































































Nagpasama muna ako kay Sally bumili ng bagong mga damit pagdating ng kinahapunan. Para sana may bago akong maisuot sa aming mga gigs.

Mabuti nga at pinayagan ako ni Haven, dahil pinipilit niyang sumama sa akin kaso may inutos pa sa kanya ang aming guro kaya masasayang ang oras kung hihintayin pa namin siya.

Nasabi ko naman na sumunod na lang ito sa aming pupuntahan para sabay na kaming makauwi. Isama niya na rin si Deyn kahit na ayaw makita ni Sally ang pagmumukha nito dahil siya ay asar na asar dito.

Wala naman magagawa si Sally kung makikita niyang biglang susulpot si Deyn dahil kaibigan din naman namin ito.

Pagkarating namin ng mall ay dumiretso agad kami sa paghahanap ng magugustuhan ko. Hanggat wala pa sina Haven at Deyn. Kapag naabutan kasi kami ng dalawang iyon ay malamang ayain agad kami kumain.

Habang namimili ako ng damit ay hindi ako nakatiis na magtanong kay Sally.

"Sally, wala ka bang napapansin na kakaiba kay Haven?"

"Kakaiba? Tulad ng ano?" Nagtatakang tanong ni Sally.

"Ang hirap ipaliwanag eh. Hindi ko masabi kung ano basta nararamdaman kong parang may mali. Wala ba siyang nababanggit? Baka may problema siya?"

"Sa tingin ko wala naman. Sa totoo lang ang nakikita ko kay Haven ay kung gaano siya kasaya kapag kasama ka niya. Kaya wag ka na mag-alala diyan noh. At tsaka kung may problema man siya, siguro naman ay sasabihin niya sa atin."

"Sana nga Sally." Ang nasambit ko na lang.

Nagdaan pa ang mga ilang minuto nang biglang nakatanggap ako ng call mula kay Haven.

Nandito na daw silang dalawa ni Deyn at tinatanong kung nasaan na kami.

Mabuti na lang at nakabili na ako ng mga damit at naghahanap na lang kami ng makakainan ni Sally.

Doon ko na lang siguro papapuntahin yung dalawa.





















































































































MATAPOS kumain ay naisipan muna naming maglaro sa arcade. Si Haven ang nakaisip at pumayag agad kami kasi minsan lang mag aya itong isa.

Biglang namang nagbago yung atmosphere ng maabutan naming naglalaro si Haven at Deyn. Para silang mga bata na tuwang-tuwa sa kanilang nilalaro. Makikita mo rin ang kasiyahan sa mga mata nito. Malayong-malayo sa napapansin ko.

Baka nga ay namamalikmata lang ako. Ani ko sa aking sarili. Kaya naman binalewala ko na lang itong nararamdaman ko at nakisali narin sa katuwaan ng aking mga kaibigan.

Patuloy lang kami sa paglalaro, hanggang sa nagkaroon kami ng kampihan. Syempre partner kami ni Haven at yung aso't pusa ay walang nagawa kundi ang magka-sundo dahil ayaw din naman nilang patalo.

Naging puno ng tawanan yung naging karanasan namin habang kami ay naglalaro.

Sa sobrang saya naming magkakaibigan ay para bang ayaw ko ng matapos ang ganitong pangyayari.

Hindi ko rin maiwasan na pagmasdan si Haven. Sobrang saya sa pakiramdam na nakikita ko siyang masaya. Mabuti na lang talaga at minahal ko ang isang tulad niya.

Sobrang laking pasasalamat ko sa panginoon na binigyan ako ng mga kaibigan na nagmamahal sakin ng totoo at ng isang Haven na masasabi kong mamahalin ko habang ako'y nandito sa mundo.


































































































Matapos ang lahat ng pinag-gagagawa namin ay nagkanya-kanya na kaming uwi sa aming mga bahay.

Samantalang itong si Haven ay nandito sa bahay at ayaw paring umuwi.

Tila ayaw niya akong iwan. Samantalang kanina ay parang ang lalim ng iniisip niya pero ngayon heto at parang sawa kung makapalupot sa akin dito sa kama ko.

"I love you." ani ni Haven kasabay ng paghigpit ng yakap nito sa akin.

"I love you too" sagot ko naman at mas lalong isiniksik ko ang sarili kay Haven.

Ang sarap lang kasi sa feeling na nasa bisig ako ng taong pinakamamahal ko.

Naramdaman ako ang paghalik nito sa aking noo. Na siya namang lihim kong ikinangiti.

Ewan ko ba at tila nakaramdam ako ng antok. Siguro ay dahil sa pagod narin at syempre nasa tabi ko kasi ang isang to. Tas napakabango pa. Mahihimbing talaga ang tulog mo kapag siya ang katabi mo.

Di katagalan ay unti-unti naring napipikit ang aking mga mata. Gusto ko mang pigilan dahil gusto ko pang makasama si Haven ngunit hindi na kinakaya ng aking diwa.

















































"Sana hindi matapos ang mga oras na'to."












Tila may sinabi pa si Haven ngunit hindi ko na ito naintindihan pa at tuluyan ng nakatulog.
















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Smile, Kiss and TeardropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon