Haven
"Aw!" sigaw ko ng biglang hampasin ako ni Heidi.
Napalayo ako sa kanya ng bahagya kaya kitang-kita ang nakakunot niyang noo.
"Napaka ano mo." sabi niya pa pero binigyan ko lang siya ng nakakalokong ngiti.
"Parang hinalikan lang sa leeg eh, ikaw nga sa lips." pang-aalaska ko sa kanya.
Napansin ko bigla ang pamumula ng kanyang pisngi at ang pag-iwas niya ng tingin.
"Soooooo" umpisa ko.
Umalis na ako sa kanyang ibabaw at nakaupo na sa kama.
Di kalaunan ay gumaya narin siya sa akin, magkaharap kami ngayon, pero siya ay nakayuko lang at di makatingin sa akin ng deretso.
"Bakit mo'ko hinalikan?" walang pasintabi kong tanong.
Jusko hindi naman pwedeng ganun-ganun na lang yun, first kiss ko kaya ang kinuha niya.
"K-kailangan ko na palang umalis." Kandautal-utal niyang sagot at mabilis na umalis sa aking kama.
Mabuti na lang at mabilis din ako kaya napigilan ko siya.
"Walang uuwi hangga't di mo ko sinasagot." matigas kong sagot habang hawak ang kanyang braso.
Hanggat di kami nagkakaliwanagan ay hindi siya pwedeng lumabas ng kwartong 'to.
"Ano muna ibig sabihin nun? O talaga bang gusto mo lang ako'y saktan?"
Biglang nakipagtitigan na siya sa akin at makikita mo ang pagtutol niya sa aking sinabi.
Nanahimik ako kanina, tapos bigla na lang siyang pupunta dito para halikan ako ng walang dahilan?
"Trip mo lang ba talaga ako? Oh baka naman matagal mo nang alam na may gusto ako sayo kaya heto parang wala lang sayo na halikan ako. At wala lang din sayo kung nasasaktan ako. Ako naman si tanga umasa, umasa na baka iisa lang tayo ng nararamdaman."
Malungkot kong binitawan ang braso niya.
Tinalikuran ko na siya, hanggang kailan ba ako manghuhula sa lahat ng mga pinapakita niya sa akin?
Yung kanina akala ko talagang nagseselos siya kay JC pero mukhang ako lang itong nag-iisip ng ganun.
Nahinto ako sa paglalakad ng biglang may yumakap sa aking likuran.
Hinawakan ko ang kamay niya para sana pabitawin siya pero mas lalong humigpit ang kanyang yakap. Hanggang sa marinig ko na lang ang mahinang paghikbi ni Heidi.
Naiyukom ko ang aking kamao.
Ayoko siyang makitang umiiyak lalo na at wala akong magawa.
Pero bakit ba siya umiiyak? Hindi ba dapat ako ang umiyak?
Lumuwag ang kanyang yakap at kinuha ko ang pagkakataong iyon para humarap sa kanya.
Hawak ko ang kanyang kamay, samantalang siya ay patuloy lang sa pagtangis.
Nasasaktan ako sa aking nakikita.
Pinahid ko ang kanyang mga luha gamit ang isa kong kamay.
Hindi ko napigilan at hinatak ko siya palapit sa akin para siya ay yakapin.
Hays, dapat galit ako sa kanya eh, kaso nangingibabaw parin na mahal ko talaga siya.
Mas lalong lumakas ang kanyang pagtangis sa aking dibdib.
"Sssssh." pag-aalo ko sa kanya at manaka-naka kong hinahalikan ang tuktok ng kanyang ulo.
Ilang minuto kaming ganun, hinayaan ko lang na umiyak siya ng umiyak.
BINABASA MO ANG
Smile, Kiss and Teardrop
Teen FictionStrangers to Friends to Lovers. Diyan mahahalintulad ang naging takbo ng buhay pag-ibig ng mga bida nating sina Haven Alviar at Heidi Cuevas. Sina Haven at Heidi ay parehong sawi sa pag-ibig ng pagtagpuin ng tadhana. Sa hindi inaasahang pagkakatao...