Haven
MATAPOS ang kasiyahan ay naisipan na naming magsitulog.
Sa guestroom matutulog sina Sally at Deyn, si Heidi naman ay matic sa kwarto ko.
Napatingin nga sa akin nang masama yung dalawa dahil bakit si Heidi daw ay makakapasok sa kwarto ko tapos silang dalawa ay hindi pwede.
Tapos ginatungan pa ni Heidi na, ilang beses na siyang nakapasok sa kwarto ko. Kaya naman bago pumunta sa kanilang kwarto yung dalawa ay sumama sila sa kwarto ko.
No choice ako dahil ang sama nang tingin sa akin nang dalawa.
Pagpasok nila sa kwarto ko at makita ang loob ay sabay silang napatingin sa akin nang hindi makapaniwala.
Napairap na lang ako at narinig ko naman ang mahinang hagikgik ni Heidi.
"Oo na, Oo na alam ko namang hindi halata sa akin. So pwede na kayo lumabas?" sabi ko sa mga ito, hanggang sa bigla na lang natawa ang mga ito.
"My god, Ven! Alam kong mahilig ka sa Hello Kitty pero di ko inakala na ganito ka-adik. Wow!" si Sally.
"Kaya nga... hindi talaga ako makapaniwala." Si Deyn na napahawak pa sa tiyan niya.
"Cute niya noh?" sabat naman ni Heidi at yumakap sa braso ko.
"Yeah, cute na siya at hindi na cool." sang-ayon pa ni Deyn.
"Tsk, cool pa rin ako noh. Lumabas na nga kayo!" sagot ko at pinagtutulak ko na yung dalawa palabas nang kwarto.
"Luh luh luh daya! Pwedeng dito na lang din kami matulog?" Sabi ni Sally.
"NO!" madiin kong sabi.
"Hayaan na natin Sally, baka makaistorbo pa tayo sa dalawa, gagawa pa sila nang baby." Mabilis na sagot ni Deyn.
Sinamaan ko nang tingin si Deyn at napatingin sa paligid.
"Baka marinig ka nila Mama." bulong ko.
"Ano ka ba tulog na sina Tita, anong oras na oh." sabi nito.
"Kahit na! Lumayas na nga kayo, hala sige chupi." pagtataboy ko sa mga kaibigan ko.
"Tsk, atat ma-solo si Heidi. Heto na aalis na kami." sabi naman ni Sally.
"Wag kalimutan gumamit nang protection ah." pahabol ni Deyn.
Aba't!
Makakatikim na sana sa akin yung dalawa nang mabilis na hinila ni Deyn si Sally at kumaripas nang takbo palayo sa akin.
Tawa lang naman nang tawa sa gilid ko yung isa.
"Halika na nga." sabi niya at hinila na ako sa loob nang kwarto ko.
"Maliligo ka pa ba?" tanong niya.
"Ah oo, ikaw ba? Gusto mo mauna?" tanong ko.
"Nah, mauna ka na." sagot nito.
"Okay." Sagot ko at mabilis na nagpunta sa damitan ko. Kanina pa kasi ako nanlalagkit.
After ko maligo ay sumunod narin agad si Heidi. Sinabi niya rin na hintayin ko siyang matapos maligo dahil baka tulugan ko raw siya. Ibibigay niya pa kasi yung gift niya sa akin.
Kanina ko pa nga hinihingi kaso hindi daw pwede, kapag kaming dalawa na lang daw.
Anong regalo naman kaya ang ibibigay niya sa akin? Actually kahit wala siyang gift ay okay lang dahil yung nakasama ko lang siya sa aking kaarawan ay sapat na.
BINABASA MO ANG
Smile, Kiss and Teardrop
Teen FictionStrangers to Friends to Lovers. Diyan mahahalintulad ang naging takbo ng buhay pag-ibig ng mga bida nating sina Haven Alviar at Heidi Cuevas. Sina Haven at Heidi ay parehong sawi sa pag-ibig ng pagtagpuin ng tadhana. Sa hindi inaasahang pagkakatao...