Chapter 17 - Into you

382 19 34
                                    

Heidi




ABOT hanggang tenga ang aking ngiti habang hinihintay si Haven sa kanilang sala para sabay kaming pumasok.

Masyado kasi akong napaaga ng punta, noon kasi kapag dumadaan ako ay sakto lang na naaabutan kong palabas ng gate nila si Haven.

"Heidi, puntahan mo na kaya si Haven sa kwarto niya? Para bilisan niya at hindi ka maghintay ng matagal." suggestion sa akin ni Tita na may mga dala pang mga buto ng halaman.

Mukhang busy siya sa kanyang mga halaman sa garden.

"Sige po Tita." pagpayag ko at sinuklian lang ako ni Tita ng isang matamis na ngiti.

Mabilis akong umakyat sa kwarto ni Haven at wala ng katok-katok. Siguro naman ay nakapag bihis na siya.

Binuksan ko ang pinto at napasigaw ako ng "oh my god" dahil tumambad sa akin si Haven na tanging bra at panty lang ang suot.

Wow. Ang sigaw ng aking isipan, witwiw.

"Heidi?" di ko namalayang nakalapit na pala ito sa akin.

Napalunok ako ng di oras dahil sobrang lapit niya na.

"M-magbihis ka na nga!" pagsusungit ko, tsk feeling ko nangangamatis ang aking pisngi.

Pero tinawanan niya lang ako.

Sinamaan ko nga ng tingin.

"Okay, okay. Magbibihis na, ikaw 'tong bigla-bigla na lang nagbubukas ng pinto eh."

"Eh bakit kasi di naka-lock ang pinto mo ngayon?" sabay taas ng isang kilay ko.

Grabe lang, hindi man lang siya nagulat na bigla na lang ako pumasok sa kanyang room tapos naabutan ko siyang.. ahem basta iyon.

"Alam ko namang ikaw lang ang maglalakas loob na pumasok sa kwarto ko noh." natatawa pa nitong sambit.

"Ah ganun so sinadya mong ipangalandakan sakin yang katawan mo?"

"Ah nope~ sadyang may ganito lang akong katawan at dapat lang na ipagmalaki. Hindi ako magugulat kahit sino pumasok sa kwarto ko kahit na ganito nila ako maabutan." Ani niya habang nagbibihis.

Napasimangot naman ako ng marinig iyon.
Di ko alam pero nainis ako sa sinabi niya.
Wala lang sa kanya na may nakakakita ng kanyang sexy body?
Tsk, dapat siguro ibalot ko 'tong si Haven, aba! Babae parin siya noh.

"Ang dami mong alam, Ibabalot talaga kita! From now on, lagi mong ilolock ang pinto mo, kahit alam mong ako lang ang maglalakas loob na pumasok dito."

"Tsk, eh bakit ikaw nakatapis lang nung naabutan ko noon. Ibabalot na din ba kita?" sabay ngisi niya ng nakakaloko.

"Pinagbuksan kaya kita, syempre kung di ikaw yun, hindi ko pagbubuksan."

"Pareho lang kaya yun." sabay kamot niya sa ulo.

"Ah basta, gawin mo na lang ang gusto ko!"

"Ohhh~ are you my girlfriend?" sabay ngisi niya.

"Bakit kasi ayaw mo pumayag?" sabay napalabi ako.

Nung isang araw ko pa kasi siya pinipilit na pumayag sa sinabi nila Deyn pero matigas talaga at ayaw pumayag.

Palambutin ko kaya?

Napa-smirk ako ng may naisip akong kalokohan.

Nagbubutones si Haven ng kanyang damit ng inagaw ko ito.

"Ako na!" sabi ko pero imbes na ibutones ko ang kanyang damit ay inalis ko yung naibutones niya na kanina.

"Anong ginawa mo?" takang tanong niya.

Smile, Kiss and TeardropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon