Haven
MASAYA ang naging takbo nang relasyon namin ni Heidi. Well hindi niya pa ako sinasagot pero parang kami narin naman kaya okay lang.
Ang totoo niyan hindi ko parin kasi siya tinatanong kung gusto niyang maging girlfriend ko. Patuloy lang ako sa pangliligaw sa kanya at pinaparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Ngayong gabi ay papunta kami sa bar kung kakanta si Heidi. Tinanggap niya yung alok ni Renz kaya naman kapag may pagkakataon ay pumupunta kami nila Deyn para suportahan ang soon to be girlfriend ko.
"Sally bilisan mo!" Mahinang tawag sa kanya ni Deyn.
Tumakas lang kasi si Sally at heto nga at hinihintay siya sa labas nang kanilang gate.
"Ito na nga oh, ang hirap kayang dumaan sa terrace.. muntik pa akong mahulog." Turan nito nang makalapit at biglang yuko nito para hawakan yung paa.
"A-anong nangyari? May masakit ba sayo? Napano ka?" Nataranta bigla si Deyn at siya na mismo ang may hawak sa paa nito na tila ba may hinahanap.
Tila natahimik si Sally at hindi makapaniwalang nakatingin kay Deyn.
Samantalang ako ay hindi napigilan ang mapangiti.
Ang cute kasi nilang tingnan.
Kahit madalas silang mag-away hindi parin talaga mawawala kung paano mag-alala nang lubos si Deyn para kay Sally.
"Uhm okay lang naman ako Deyn, hindi naman gaanong napuruhan yung ankle ko. Na out of balance kasi ako nang tumalon ako tapos yun. Medyo masakit lang pero makakalakad pa naman."
"Next time mag-iingat ka paano pala kung napuruhan ka?" mahinahon na sabi ni Deyn.
Ngumiti lang si Sally at kinurot ang ilong nito.
"Masyado kang seryoso, hindi bagay sayo noh. Halika na nga!" Hinila na niya si Deyn upang makasakay sa motor nito.
"You sure, okay lang ang paa mo?" ako naman ang nag-alala sa kanya.
"I'm good Haven, don't worry." sabay ngiti niya na ikinangiti ko narin.
"Kumapit ka sakin ng mabuti." Paalala sa kanya ni Deyn.
"Deyn, sigurado ka bang marunong kang mag drive? Parang mas gusto kong kay Haven na lang sumakay."
Napasimangot naman si Deyn sa tinuran ni Sally.
"Marunong ako noh. At tsaka mamaya si Heidi ang sasabay sa kanya kaya no choice ka kundi sa akin sumakay."
Tumingin naman sa akin si Sally nang alanganin. Nag-aalala siguro dahil ngayon niya palang nakitang mag drive nang motor si Deyn.
Bagong bili lang din kasi yung motor ni Deyn nung isang araw at ngayon niya palang gagamitin.
"Marunong siya Sally." sabi ko na lang para makaalis na kami dahil baka hindi na namin maabutan sina Heidi.
Pero totoo yun, marunong talaga siya dahil tinuruan ko siya nung minsan.
Matapos ang bangayan nila Deyn at Sally dahil takot na takot nga itong umangkas kay Deyn ay nakaalis din naman kami sa wakas.
Pagkarating namin sa Bar ay sinalubong agad kami ng Tita ni Renz.
Siya ang nagpapasok sa amin lalo na at hindi talaga kami papayagan pumasok lalo na at underage pa kami.
Wala naman nakakaalam kung anong edad namin, tanging kaming magkakaibigan lang at yung Tita ni Renz.
Nang makapasok kami ay iniwan na kami nang Tita ni Renz nang ituro sa amin kung saan kami uupo.
BINABASA MO ANG
Smile, Kiss and Teardrop
Teen FictionStrangers to Friends to Lovers. Diyan mahahalintulad ang naging takbo ng buhay pag-ibig ng mga bida nating sina Haven Alviar at Heidi Cuevas. Sina Haven at Heidi ay parehong sawi sa pag-ibig ng pagtagpuin ng tadhana. Sa hindi inaasahang pagkakatao...