Haven
"HAVEN!!!" sigaw ng dalawa kong kaibigan na sina Deyn and Sally.
"DEYN, SALLY!" sigaw ko rin at tumakbong palapit sa kanila.
Nagyakapan pa kami sa gitna ng mga estudyante na naglalakad papunta sa kanila-kanilang classroom.
"Grabe sobrang namiss ko kayo!!!" sabi ni Sally.
"Ako din!!! Nagbakasyon pa kasi kayong dalawa ayan tuloy hindi niyo ako nasamahan sa pagdadalamhati ko sa duguan kong puso." nag-eemote kong sagot.
"Ay oo nga pala, asan na yung walang hiya mong ex? Mabangasan!" gigil na sabi ni Deyn.
Napangiti agad ako sa sinabi ni Deyn, masyado kasi talaga siyang protective sa amin ni Sally.
"No need Deyn, okay naman na ako." sabi ko.
"You sure? Sabihin mo lang igaganti talaga kita sa ungas na yun." sabi pa ni Deyn.
"Tsk, ano namang laban mo sa lalaki? Eh piling lalaki ka lang naman, matatalo ka lang." Biro ni Sally.
Hindi naman nainis si Deyn at binalewala lang ang sinabi ni Sally, sanay narin kasi siya sa pang-babara nito.
"Then try me, nang magkaalaman!" mayabang na turan ni Deyn.
Napailing-iling naman ako habang nangigiti.
Si Deyn ay isang lesbian, kung titingnan mo siya ay para talaga siyang lalaki kung hindi nga lang siya nakapalda ngayon.
Gwapo siya, di hamak na mas gwapo sa iba, pero yun nga lang gaya ng sabi ko isa siyang lesbian at para sa iba ay hindi parin okay. Pero kaming kaibigan niya ay tanggap siya kahit sino pa siya.
Isa pa simula pa bata ay magkakaibigan na kami kaya, kami at kami lang din ang magkakaintindihan.
"Classmate ba tayo ulit?" tanong ni Sally.
"I don't know." sabay kibit balikat ko.
"What? What if di na tayo classmates?" malungkot na sabi Sally.
"Eh di mas okay, kasi sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo." sabay tawa ni Deyn.
"Che! Kinakausap ka?" mataray na sagot naman ni Sally.
Tsk nagsimula na naman ang aso't-pusa.
"Kayong dalawa, huminto na nga kayo, mabuti pa hanapin na natin yung names natin." aya ko sa kanila at iniwan na sila.
Nag simula na naman kasi at sawang-sawa na akong umawat sa kanila.
"YEY! Classmates ulit tayong tatlo!!!" nagtatatalon na sabi ni Sally.
"Akala ko talaga nahiwalay na ako sa inyo kasi bumaba yung grades ko last grading." sabi ni Deyn.
"Kahit ako rin kinabahan, baka napunta ako ng section 1." sabi ni Sally.
"Well, hindi nangyari dahil nasa star section parin tayo." maligalig kong sabi.
"Next time na muna ako magpapaka-adik sa k-drama, baka mawala ako sa star section eh." sabi ni Sally.
"Kahit ako, iiwas na muna ako sa anime. Kailangan kong mag focus sa school." Sabi naman ni Deyn.
"Tsk bakit naman? Kung kaya niyo naman pagsabayin bakit hindi niyo gawin?" sabi ko.
"Ay naku Haven, hindi mo kami tulad." Sabi ni Deyn.
BINABASA MO ANG
Smile, Kiss and Teardrop
Teen FictionStrangers to Friends to Lovers. Diyan mahahalintulad ang naging takbo ng buhay pag-ibig ng mga bida nating sina Haven Alviar at Heidi Cuevas. Sina Haven at Heidi ay parehong sawi sa pag-ibig ng pagtagpuin ng tadhana. Sa hindi inaasahang pagkakatao...