†
Janelle's P.O.V
janelle!! gumising ka!! janelle!!
unti-unting lumiwanag ang paningin ko..
Pagdilat ko ng mata ko ay si lola ang nakita ko.sya pala ang tumatawag sakin.pagtingin ko sa gilid nya ay nakita ko si Ellynah na buhat-buhat si Serenity.duguan silang tatlo dulot sa aksidenteng nangyari.mukang may mga sugat din ako dahil ramdam ko ang kirot.pagtingin ko din sa paligid ko ay dun ko lang namalayan na nasa labas na kami ng sasakyan.
"Asan na sila Mama?" sinubukan kong tumayo.tinulungan naman ako ni Lola.
"Lola?" bakit hindi nila sinasagot yung tanong ko?
napayuko lang si lola.
"Ate..."
napatingin ako kay Ellynah
"A-asan sila??" medyo kinakabahan na ko.
umiyak nalang bigla sila Ellynah at Serenity.pati si lola ay humihikbi na.ano bang nangyayari?
pinilit kong maglakad papunta sa sasakyan namin.nakita kong maraming dugo sa bandang harapan ng sasakyan.NO....
napaatras ako.please wag,hindi pwede,ayoko..
"wala na sila Janelle.." may nagsalita sa likod ko.boses ni lola.
HINDI...
No one's P.O.V
napa upo nalang si Janelle sa lupa at nagsimulang humagulgol ng iyak.kasabay din non ay ang pag-ulan ng malakas.
"Janelle kaylangan na nating umalis dito..."-Sylvia.
ngunit hindi parin kumikilos si Janelle.hindi parin pumapasok sa isip nya ang sinapit ng mga magulang nya.
"Janelle...delikado dito...umalis na tayo..."-Sylvia
sinubukang itayo ni Sylvia si Janelle pero ayaw nito.
"iwan nyo na ko dito lola.."-sabi ni Janelle habang nakatulala.
"Janelle...wag kang susuko....kaylangan nating iligtas ang mga kapatid mo.."-Sylvia
sa sinabi ng lola nya ay natauhan na sya.tinulungan sya nitong makatayo.
"doon" tinuro ni Sylvia ang mayayabong na damuhan."maghanap kayo ng ligtas na lugar..kukunin ko lang yung mga gamit natin sa sasakyan."-paliwanag ni Sylvia.
tumango naman si Janelle.hinawakan nya ang kamay ni Ellynah at Serenity at pumunta na sila sa damuhan.
"walang bibitaw."
tumango naman ang dalawa nyang kapatid
Janelle's P.O.V
patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa may makita kaming maliit na bahay sa gitna ng gubat.
"Tao po!! tulungan nyo kami!! tulong!!"- buong lakas na ang pagsigaw ko habang kinakalampag ang pintuan.
agad naman itong bumukas at isang lalaki ang nagbukas.
"bilisan nyo pumasok na kayo!!"- bungad agad nung lalaki.mukang alam nya na ang nangyayari.
agad pumasok si Ellynah at Serenity.nilingon ko muna ang pinanggalingan namin.
"ano pang inaantay mo?!"-nang mapansin ng lalaki na hindi pa ko pumapasok.
"kasama ko yung lola namin!!" sabi ko sa kanya
dumating naman kaagad si lola.tinulungan ko sya sa mga dala-dala nya.pagkapasok namin ay agad isnara ng lalaki ang pinto.
"salamat.."-sabi ni lola sa lalaki.
"walang anuman..."
"ano nga palang pangalan mo?"-tanong ni lola.
"Patrick po.."
tinignan ko yung lalaki.mukang ka age ko lang sya.
"pwede ba kaming manatili dito ng ilang araw??"-tanong ni lola
"ok lang po..alam ko naman po ang dahilan.."-Patrick
"Janelle,magpahinga muna kayo. marami nang nangyari sa araw na ito. kaylangan nyo ng tulog..."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AN: ngayon alam nyo na kung pano sila nakaligtas? abangan ang mga susunod na pangyayari!!
And one more thing.if you guys look at the cast, Paul and Joana is Undead now, cause they died in the car crash and they will turn into Biters soon! annnd! New Character Patrick!! Enemy or Ally? soon!
Vote and voice out your opinions. Any violent reaction? Sorry kung may typos. Keep reading!
- N i k k a :)
-SplendorBlaire
BINABASA MO ANG
Bite
AdventureMerong sakit na nagmula sa bansang Africa.ang sakit na ito ay walang lunas at delikado.agad itong kumalat sa ibat-ibang bansa, U.S.A, Argentina,Japan, Ireland at sa iba pa.kung sino man ang magkaroon nito ay unti-unting nanghihina at mamamatay.pero...