Pagdating nya sa kabila ay agad syang kumuha ng malaking bato.ipapalo na sana nya ang bato sa lock nang....
"ibaba mo yang hawak mo at Itaas mo ang kamay mo!!"
may sumigaw sa likod nya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Janelle's P.O.V
Dahan-dahan kong binaba ang batong hawak ko.pagkatapos ay itinaas ko ang dalawang kamay ko.
"Humarap ka dito.."-boses ng isang babae.
Bago ako tumingin ay tinignan ko muna sila Ellynah sa kabilang gate.mukang kinakabahan sila.pagharap ko ay nakita kong tatlo sila.dalawang lalaki at isang babae.nakatutok ang mga baril nila sakin.
"Anong ginagawa nyo dito?"-tanong ng matangkad na lalaki
"n-nagtatago kami sa mga biters..." sagot ko
"Paano ka nakapasok dito?"-tanong naman ng isang lalaki.
"U-umakyat ako sa g-gate.."-sagot ko
"Pwes, umakyat ka uli sa gate para makalabas ka dito at makaalis na kayo.."-utos ng matangkad na lalaki.
"Ate!!" sumigaw si Ellynah sa likod ko.paglingon ko ay may mga biters na paparating.
"Please, papasukin nyo kami......kaylangan namin ng tulong..."pagmamakaawa ko.
nagtinginan silang tatlo sa isat-isa.
"Kyla,tawagin mo si Angelo"-utos ng isang lalaki sa babaeng Kyla pala ang pangalan.
Umalis yung babae at pumasok doon sa mansion.maya-maya pa'y bumalik ito na kasama na yung Angelo.
pumunta sila sa harap ko.
"Join or Leave"
nagulat ako sa sinabi ng Angelo
"H-ha..?"
"Join or Leave"-ulit nung Angelo
hindi ako makapag salita.....anong gagawin ko??
"Sasama ba kayo sa grupo namin o aalis kayo dito??"-sabi nung Angelo
"Fine....sasali kami sa grupo nyo..."
"Arvin, buksan mo na yung gate.."-utos ni Angelo sa matangkad na lalaki.Arvin pala ang pangalan.
Binuksan ni Arvin ang gate ang niyakap ko agad si Serenity at Ellynah. si Patrick naman ay tinignan ang mansion.
"Pangalan??"-tanong ni Angelo
"Ako si Ellynah, at ang mga kapatid ko naman,Janelle at Serenity,ito naman ang kaibigan naming si Patrick"-paliwanag ni Ellynah
tumango naman si Angelo.
"Charlson, yung tatlong babae dalhin mo sa isang kwarto, at yung lalaki naman ay ihiwalay mo."-utos ni Angelo sa isang lalaki na Charlson pala ang pangalan.
Lider siguro nila si Angelo..
"Bukas ko na ipapaliwanag sa inyo ang mga rules sa grupo ko.. magpahinga muna kayo, mukang nanghihina na kayo.."-Angelo
"Ilan ba kayo sa grupo nyo??"-tanong ni Patrick
"16 kaming lahat....ngayon 20 na dahil kasama kayo.."-Angelo
"Makikilala nyo rin sila lahat..."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AN:AYAN NA!! NAKILALA NYO NA ANG IBANG SURVIVORS!!
KYLA, ARVIN, CHARLSON AND ANGELO!!(New Characters always added on the Cast)
PERO MARAMI PA KAYONG MAKIKILALA SA SUSUNOD NA CHAPTER!! :)
Vote and voice out your opinions. Any violent reaction? Sorry kung may typos. Keep reading!
- N i k k a :)
-SplendorBlaire
BINABASA MO ANG
Bite
AventureMerong sakit na nagmula sa bansang Africa.ang sakit na ito ay walang lunas at delikado.agad itong kumalat sa ibat-ibang bansa, U.S.A, Argentina,Japan, Ireland at sa iba pa.kung sino man ang magkaroon nito ay unti-unting nanghihina at mamamatay.pero...