Chapter 14:Pristine

125 4 0
                                    

AN: Hello Readers!! Thanks nga pala sa nag advice sakin sa Facebook :)

Enjoy!!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Name:Pristine

Age:27

Gender:Female

Career:Fake Tanner

Position:Scavenge

Relationship in other survivors:None

--------------------------------------------------------------------------------

No One's P.O.V

Naglalakad ngayon sina Janelle at Angelo papuntang labas.gagawin na nila ang tungkulin nila sa grupo.(Scaveging)

Habang naglalakad sila ay di maiwasan ni Janelle na magtanong.

"Sino nga pala yung makakasama natin??....alam ko apat tayo diba??" Janelle

"Makikilala mo din sila....." Angelo

tumahimik nalang si Janelle hanggang marating nila yung sasakyan na gagamitin nila.

sumakay si Angelo sa backseat, si Janelle naman ay sa passenger seat.nagulat sya dahil may nakasakay na pala sa driver seat.

"Hi, ako si Pristine.."

"Hello.....ako naman si----

"Janelle...kilala ka na ng lahat ng grupo hahaha." Pristine

Nagulat si Janelle dahil hindi nya pa naman nakaka-usap ang lahat pero kilala na sya ng mga ito.

"Sisihin mo yung kambal na sina Marjorie at Jaynee pinagkalat ka na nila hahaha," sabi ni Pristine habang tumatawa.

Napangiti nalang si Janelle.

"Pristine,paandarin mo na yung sasakyan.." Boses ni Angelo na nanggagaling sa likod ng sasakyan.

Nilingon sya ni Janelle at nagulat sya ng makitang may kasama pa pala silang lalaki bukod kay Angelo.

Mamaya ko nalang sya kakausapin....si Pristine muna ang kikilalanin ko -sa isip-isip ni Janelle

Sinimulan nang paandarin ni Pristine ang sasakyan.mukang alam nya na yung pupuntahan nila.

Janelle's P.O.V

Pano ko kaya sya kakausapin kung nagdadrive sya?? mamaya na nga lang...

Makalipas ang ilang oras ay nakarating narin kami sa pupuntahan namin.

SALLY'S EATERY

Yan yung nakasulat sa taas ng kainan na pinuntahan namin.

"Anong makukuha natin dito??" tanong ng isang lalaking kasama namin.

"Mga pampalasa sa pagkain....ilang araw na tayong kumakain ng lugaw na lasang tubig" Sinagot naman agad sya ni Angelo

Natawa naman si Pristine.

"Choosy ka pa Angelo...baka isang araw kumain nalang tayo ng ligaw na hayop" pabirong sabi ni Pristine

"Hindi malabong mangyari yan kung wala na tayong mahanap na pagkain" Seryosong sabi ni Angelo

Natahimik nalang si Pristine.

"Dito lang kayong dalawa, titignan muna namin yung loob....tatawagin nalang namin kayo kapag ok na..." sabi ni Angelo

Tumango naman kami ni Pristine.

Umalis naman agad sila ng isang lalaki.

"Pwede ka nang magtanong..." sabi ni Pristine

"Sure ka ba na pwede ako sayong magtanong ng personal??"

Tumango naman sya

"Ok......asan yung pamilya mo..nang mangyari yung Outbreak??" tanong ko

"Wala na akong mga magulang bago pa mangyari ang lahat.they both died.pero meron akong nakababatang kapatid na si Kenji...pero they got him during the attack....di ko sya nagawang protektahan....pero naka move-on na ako doon.alam ko naman na hindi na sya nahihirapan ngayon.." paliwanag nya.

"Wala ka bang ibang kasama nang mangyari ang Outbreak bukod sa kapatid mong si Kenji??" Tanong ko

"Nasa train station kami noong mangyari ang Outbreak.halos wala nang tao doon bukod sa buntis na kasama namin ni Kenji.umiiyak sya dahil natatakot daw sya na makain ng mga Biters.so Cinomfort ko sya at sinabing makakaligtas kami.pero nagulat kami ng may apat biters na napunta doon sa area namin. nasa tagong side ng train station kasi kami.tumakbo kami pero nahabol nila si Kenji.nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kung paano nila pagsaluhan ang lamang-loob ng kapatid ko.di ko alam na nakita rin pala yun ng buntis na babae at napasigaw sya.dahil dun ay nilingon kami ng dalawang biters at sinugod.agad akong tumakbo kahit maluha-luha na ko pero nagulat ako nang tumalon yung buntis sa riles ng tren.sakto naman na may paparating na tren kaya.........pagkatapos ng nangyari doon ay tumakas na ako doon para iligtas ang sarili ko hanggang sa mapadpad ako sa Mansion..."mahabang paliwanag nya.

Natahimik ako saglit.lahat pala kami ay may masamang naranasan....

"Pero masaya ako ngayon dahil may babae na Scavenger bukod sakin!! OP kasi ako sa dalawa ehh.." sabi ni Pristine bigla.

"Sino nga pala yung lalaking isa??" tanong ko

"Ahhh si Kenneth yun....pwede mo syang kausapin mama----

"TULONG!!! TULONG!!!!"

Naputol ang pagsasalita ni Pristine nang marinig ang sigaw ni Angelo.

Kinuha naman agad ni Pristine ang baril sa lagayan nya sa may bandang bewang.ganun din ang ginawa ko.

"Kaylangan natin silang tulungan!!"

tumango ako at agad kaming lumabas ng sasakyan.agad naming natanaw sa loob ng kainan sina Angelo at Kenneth na nakikipaglaban sa Biters.pero masyadong marami ito.

"Tara na!!" sigaw ni Pristine

Agad kaming pumasok ng Kainan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AN: HELLO AGAIN READERS!! KILALA NYO NA SI PRISTINE??

PERO ANG TANONG, MAY MAMAMATAY NA BA KAAGAD?? ABANGAN!!?!

also Kenji was added to the characters cast but in dead status ofcourse

Vote and voice out your opinions. Any violent reaction? Sorry kung may typos. Keep reading!

- N i k k a :)

-SplendorBlaire

BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon