Chapter 5:Mansion

151 6 0
                                    

                                                                                             


No One's P.O.V

Patuloy parin sa paglalakbay sila Janelle, Patrick, Serenity at Ellynah.hindi nila alintana ang gutom.

Habang nag dagdadrive si Ellynah ay napansin nya na malapit nang maubos ang gas.

"malapit nang maubos ang gas natin..."-sabi ni Ellynah

napa hingang malalim nalang si Janelle.

"Ayun,dun tayo huminto"-tinuro ni Patrick ang isang Convenience store.

hininto ni Ellynah ang sasakyan sa tapat nito.sinilip muna nila mula sa sasakyan ang loob.

"Take all you want.....God bless us all"

naka paskil sa babasaging pinto ng Convenience store.

"Mukang ligtas naman..."-sabi ni Patrick.

Lumabas na sila ng sasakyan.hawak-hawak ni Ellynah si Serenity habang hawak naman ni Janelle ang kutsilyo nya.baril naman ang kay Patrick.

Dahan-dahang binuksan ni Patrick ang pinto habang nakatutok ang baril sa loob.

Wala silang nakitang sign na may biters sa loob.Nakita din nila na halos wala nang laman ang Convenience store.

"Kunin nyo nalang yung mga natira" -utos ni Patrick

Kumuha si Janelle ng paper bag sa counter at sinimulang kumuha.mga candy bar,iilang canned foods nalang ang nandoon.

pumunta naman si Patrick sa Beverage section.halos wala na ring laman.iisang pirasong energy drink nalang ang nandoon.

"Pwede na to.."-sabi ni Patrick sabay kuha.

Pumunta naman si Ellynah at Serenity sa counter area.wala silang nahanap kundi isang bar ng chocolate.pinutol nya ito at binigay nya ang kalahati kay Serenity at ang isang kalahati naman ay sakanya.

habang kumakain si Ellynah ay pumunta si Serenity sa bandang dulo ng Counter area.meron syang nakitang pulang buton

"Please, press incase of emergency"

"Ano kaya yan Dolly??"-tanong ni Serenity sa manika nya.

dahil gusto nyang malaman kung para saan yon ay pinindot nya ito

Curiosity kill the cat...

Biglang may tumunog na malakas sa loob ng store.may pulang ilaw din na bumukas.

dahil sa lakas ng tunog ay napatakbo si Serenity pabalik kay Ellynah.

"Anong nangyayari?!?"-Janelle

"Sorry..."-umiyak na si Serenity.niyakap naman sya agad ni Ellynah

"Kaylangan na nating umalis dito!! maririnig ng biters ang tunog!!"-babala ni Patrick

Agad silang lumabas ng store.tumakbo si Patrick papunta sa sasakyan pero pinigilan sya ni Ellynah.

"hindi tayo makakatakas dyan...wala na yang gas"-sabi ni Ellynah kay Patrick

wala na silang magawa kundi tumakbo.

habang tumatakbo sila ay may nakita si Janelle.

"Ayun!!" turo ni Janelle sa isang Mansion. "dun tayo magtago!!"

pagdating nila sa front gate ay naka lock ito

"Ano nang gagawin natin?"-kinakabahan na si Ellynah

"Akong bahala"-Janelle

Agad nyang inakyat ang gate.sa una ay nahirapan sya pero nakarating din sya sa kabila.

Pagdating nya sa kabila ay agad syang kumuha ng malaking bato.ipapalo na sana nya ang bato sa lock nang....

"ibaba mo yang hawak mo at Itaas mo ang kamay mo!!"

may sumigaw sa likod nya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AN: HI READERS!! MALAPIT NYO NANG MAKILALA ANG IBANG SURVIVOR SO ANTAY LANG!!

GATE NA INAKYAT NI JANELLE--------------------------------------------->

NAAKYAT NYA YAN!! XD

Vote and voice out your opinions. Any violent reaction? Sorry kung may typos. Keep reading!

- N i k k a :)

-SplendorBlaire

BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon