NOTE: Sorry for the super late update guys. Nasarapan magbakasyon si Gino eh. Hahaha. Anyway, I'm Nikka. Enjoy reading biters!
Continuation of last chapter
Janelle's POV
Agad kaming bumaba ni Pristine sa sasakyan. Nakita ko sa loob ng kainan sina Kenneth at Angelo na nilalabanan ang mga biters.
Napalingon ako kay Pristine. Tumango siya at agad inilabas ang baril niya. Wala akong alam sa mga baril pero sa tingin ko ay isang pistol 'yung baril niya katulad ng akin.....
Kinuha ko at tinignan ito. Naalala ko 'yung payo ni Lola.
'Kailangan mong lumaban. Kailangan mong pumatay. Dahil ikaw ang papatayin nila kapag 'di mo sila pinatay.'
Hinawakan ko ng mahigpit ang baril ko. Tama si lola. Kailangan 'kong lumaban.
"Tara na..." - sabi sakin ni Pristine
Huminga ako ng malalim, "Ok..."
Tumakbo kami ni Pristine papunta sa loob ng Restaurant. May dalawang biters kaagad ang sumalubong samin.
*BANG*
Agad binaril ni Pristine ang dalawang biters. Tinamaan ang isa sa ulo. Ang isang naman ay hinampas niya ng baril.
Pagkatapos patayin ni Pristine ang dalawang biters ay agad siyang tumakbo kila Kenneth at Angelo.
Susunod na sana ako pero napatingin ako sa Girl's Restroom. Maraming babaeng biters sa loob na gustong lumabas. Nakabukas naman ang pinto pero nakaharang ang iilang lamesa at upuan doon.
Naisip ko na kapag nakatakas ang mga biters doon ay siguradoon mamamatay kaming lahat dito kahit na lumaban pa kami.
Tinignan ko sa di kalayuan sina Kenneth, Angelo, at Pristine na patuloy pa ring lumalaban sa mga biters.
"Kaya ko 'to......"
Lumapit ako sa Girl's Restroom kaya lalo pang nagwala ang mga biters sa loob.
Ang plano ko ay isa isang tanggalin ang mga upuan at lamesa habang isa-isa ding papatayin ang mga biters na sumusubok lumabas doon at agad isara ang pinto.
Sinimulan kong tanggalin ang isang upuan. Ang isang biters ay agad nagwala at pilit akong inaabot.
Nagtanggal ulit ako ng isang upuan. Saktong ibababa ko na ay laking gulat ko nang biglang natulak ng isang biters ang upuan dahilan para malaglag ito. At sa lakas ng mga biters ay nauusog na nila ang mga nakaharang dito.
Nanigas agad ako sa kinatatayuan ko.
Tuluyan ng nasira ang mga harang at papalapit na sakin ang isang babaeng biters na nakasuot ng pulang bestida. May kagat ito sa pisngi at namumula ang mga mata.
Sa sobrang takot ko ay nabitawan ko ang hawak kong baril.
Itong babaeng papalapit sakin ang tatapos ng buhay ko.
Akmang kakagatin niya na ko nang may biglang humampas dito ng upuan.
Pagkatapos ay agad nitong ginamit ang upuan para araruhin ang mga biters papalabas palang. Nang nagtalsikan lahat ng biters sa Girl's Restroom ay agad niyang sinara ang loob ng pinto nito.
"Whew! That was close."- sabi ng lalaking tumulong sakin na nakilala kong si Kenneth...
------------------------------------------------------------
Vote and voice out your opinions. Any violent reaction? Sorry kung may typos. Keep reading!
- N i k k a :)
BINABASA MO ANG
Bite
AventureMerong sakit na nagmula sa bansang Africa.ang sakit na ito ay walang lunas at delikado.agad itong kumalat sa ibat-ibang bansa, U.S.A, Argentina,Japan, Ireland at sa iba pa.kung sino man ang magkaroon nito ay unti-unting nanghihina at mamamatay.pero...