†
Janelle's P.O.V
"Buti nalang po may dala kayong pagkain,wala kasi akong stock dito ehh.." -sabi samin ni Patrick
"Sige lang,kumain ka lang.ito yung kapalit sa pagpapatira mo samin dito.." -sabi ni lola
kumakain kami ngayon.yung mga pagkain na naimpake ni papa bago kami umalis nga bahay.
Naalala ko nanaman sila..
No one's P.O.V
MAKALIPAS ANG ILANG ORAS...
Timecheck:12:43
"Nasa Heaven na po ba si mama at papa?"-tanong ni Serenity kay Janelle
"Syempre, mababait sila ehh"-si Ellynah na ang sumagot dahil hindi ito masagot ni Janelle.
nasa kwarto silang tatlo ngayon.dito muna sila pansamantalang natutulog kasama si Sylvia.dalawa lang kasi yung kwarto ng bahay ni Patrick at syempre kanya yung isa.
"ok ka lang ba ate?"-tanong ni Ellynah kay Janelle nang mapansin nyang nakatulala ito.
"h-huh? ah..o-oo"-sabi naman ni Janelle.pero ang totoo ay iniisip pa rin nya ang pagkawala ng mga magulang nila.
"wag mo na sila isipin ate..masaya na sila kung nasan man sila ngayon.dapat nga matuwa ka dahil di na nila mararanasan yung nangyayari satin ngayon ehh."-paliwanag ni Ellynah
"Tama ka.."-dahil sa sinabi ni Ellynah ay nagkaroon ng lakas ng loob si Janelle.
"ate Ellynah,pwede mo ba kong samahan?? papaliguan ko lang si dolly"- yaya ni Serenity kay Ellynah.si dolly ay ang paboritong manika ni Serenity
"sige,pati ikaw maligo ka narin,mabaho ka na rin ehh"- sabi ni Ellynah sabay buhat kay Serenity
pumasok na ng banyo ang dalawa.naiwan mag-isa si Janelle sa kwarto.
napag desisyunan nyang lumabas ng kwarto at puntahan si Sylvia.
naabutan nya si Sylvia at Patrick na nag-uusap.agad syang nakita ni Sylvia
"oh,andyan na pala sya.."-Sylvia
"bakit po lola??"-takang tanong ni Janelle
"nasabi saakin ni Patrick na may malapit daw na tagong grocery store dito,pupuntahan namin yon mamaya para kumuha ng pagkain,gusto mo bang sumama?" -paliwanag ni Sylvia.
"d-diba delikado sa labas?"-Janelle
"wag kayong mag-alala,tago tong bahay na to kaya halos walang taong nakakapunta dito,kaya wala ring biters na mapapadpad dito."-paliwanag ni Patrick.
"h-hindi pa pwedeng bukas nalang??"-pagdadahilan ni Janelle.natatakot kasi syang lumabas.
"kapag pinagpabukas pa natin to, baka wala na tayong maabutan."-Patrick
"b-bakit?"-takang tanong ni Janelle.
"hindi lang tayo ang naka survive sa pangyayari,malamang may iba din at syempre kaylangan din nila ng pagkain at iba pa."-paliwanag ni Patrick
"d-diba tago naman yung grocery store?"-pagdadahilan ni Janelle.
"pero maraming may alam sa grocery store na iyon kahit pa sabihin nating tago iyon."-Patrick
BINABASA MO ANG
Bite
AdventureMerong sakit na nagmula sa bansang Africa.ang sakit na ito ay walang lunas at delikado.agad itong kumalat sa ibat-ibang bansa, U.S.A, Argentina,Japan, Ireland at sa iba pa.kung sino man ang magkaroon nito ay unti-unting nanghihina at mamamatay.pero...